May 16, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Bakit kinokonsiderang ‘life skill’ ang paglangoy?

Bakit kinokonsiderang ‘life skill’ ang paglangoy?
Photo courtesy: Pexels

Sa kasagsagan ng dry season, kung saan ang heat index ay pumapalo mula 42°C hanggang 48°C sa iba’t ibang lugar sa bansa, pantasya ng maraming Pinoy ang magtampisaw at lumangoy sa tubig upang maibsan ang alinsangan. 

Ngunit bukod sa pampalamig sa mainit na panahon o kaya’y simpleng pampalipas oras sa bakasyon, ang paglangoy ay itinuturing ding “essential life skill,” dahil sa buong mundo, ang pagkalunod ang isa sa mga nangungunang dahilan ng aksidenteng pagkasawi, lalo na ng mga paslit. 

Kaya bilang “life skill,” nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa sa paglangoy ay maaaring maging susi sa kaligtasan habang nagbababad sa tubig, swimming pool man ito o dagat. 

Ilang taon ba dapat matuto lumangoy ang isang tao? 

Ayon sa iba’t ibang pag-aaral, maaari nang simulan ang swimming lessons sa mga batang nasa isa hanggang apat na taong gulang o kaya nama’y mga sanggol na anim na buwan kasama ang kanilang mga magulang sa bawat sessions.

Human-Interest

Dating 72 4Ps members, pasok sa topnotchers ng March 2026 LET!

Sa pamamagitan ng maagang swimming lessons, ang mga paslit ay matutulungang magkaroon ng malusog na pangangatawan, sapat na kaalaman sakaling mahulog sila sa tubig, at pagpapatatag ng kanilang social skills dahil sa mga bagong kaibigang kanilang makikilala sa sessions. 

Benepisyo ng paglangoy

Bukod pa rito, ang paglangoy ay nakatutulong upang mapagtibay ang lakas ng buong lakas ng katawan, gayundin ang coordination at balanse nito dahil nagagamit ang iba’t ibang parte ng katawan dito. 

Dahil na rin sa dami ng enerhiyang kinakailangan sa paglangoy, nakatutulong ito sa maayos na pagtulog at pagkain ng marami. 

Nakatutulong din ang paglangoy sa mental health dahil sa “calming sensation” ng tubig sa utak, na nakatutulong din sa makalma ang pagkabalisa ng mga lumalangoy.

Bukod pa rito, ang paglangoy ay nakapaglalabas ng “endorphins” ang katawan o ang “feel good” hormones na nakatutulong sa pagpapabuti ng mood at kabuoang well-being ng isang tao.