May 16, 2026

Home BALITA National

OSAA, mariing pinabulaanan mga balitang walang CCTV sa Senado!

OSAA, mariing pinabulaanan mga balitang walang CCTV sa Senado!
Photo courtesy: via MB

Mariing pinabulaanan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado na mga lumabas na ulat na nagsasabing wala raw nakuhang Closed-Circuit Television (CCTV) noong maganap ang insidente ng putukan sa Senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13, 2026. 

Ayon sa inilabas na pahayag ng OSAA at pirmado ni acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca nitong Sabado, Mayo 16, sinabi nilang hindi raw totoo ang mga nauna nang balitang wala raw bukas na CCTV footage sa ikalawang palapag ng Senate building noong Miyerkules.

Matatandaang inilahad na sa publiko ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro noong Huwebes, Mayo 14, na mula sa mga miyembro ng OSAA at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga umalingawngaw na putukan ng baril sa Senado. 

Photo courtesy: OSAA

Paglilinaw ng OSAA, fully operational o gumagana raw ang mga CCTV sa nasabing palapag ng Senate building noong nangyari ang putukan. 

National

Sali na! 76th Carlos Palanca awards, tumatanggap na ng entries

Pagkukumpirma nila, nakatanggap daw ng kahilingan ang OSAA kay PCol. John K. Guiagui ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection, Group Regional Field Unit, National Capital Region (PNP CIDG RFU NCR) na mahingi sa kanila ang footage ng mga CCTV noon Huwebes, Mayo 14.

Bilang tugon, bukas daw nilang ibinigay ang hinihinging footage ng mga CCTV ni Guiagui noon ding Huwebes. 

“In compliance with said request and in full cooperation with the ongoing investigation, the OSAA, through its Integrated Electronics and Technical Section, voluntarily provided the requested CCTV footages on the same date to the PNP CIDG RFU NCR,” anila. 

Dagdag pa nila, “The extraction and turnover of the CCTV recordings were conducted with the participation and technical coordination of authorized PNP personnel.” 

Diin nila, nagsagawa pa nga raw sila noon ng sertipikasyon at resibo bilang patunay na natanggap ng PNP ang mga kopya ng kanilang CCTV sa Senado.

“Corresponding certifications and acknowledgment receipts were likewise executed and signed by the receiving PNP personnel confirming their receipt of the CCTV copies, specifically pertaining to DVR 2 CCTV Cam 8 and DVR 8 CCTV Cams 7 and 8 covering the relevant period of the incident,” ‘ika nila. 

Paliwanag pa nila, “The certifications further affirmed that the CCTV footage provided was authentic, original, unaltered, and directly obtained from the official Senate CCTV system.’ 

Pagpapatuloy ng OSAA, nananatili raw silang bukas para makipag-ugnayan sa mga tunay na investigative bodies at patuloy raw nilang isusulong ang transparency, pananagutan, at pagbabantay sa kaligtasan ng institusyon ng Senado. 

Nagawa namang magpaalala ng OSAA sa mga miyembro ng media na ipakita raw ng mga ito ang pantay at may pananagutan sa paglalabas ng mga impormasyong totoo at nanggagaling sa mga dokumento ng awtorisadong ahensya ng gobyerno. 

KAUGNAY NA BALITA: Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, suspendido ng 6 na buwan—Ombudsman

KAUGNAY NA BALITA: Senate sergeant-at-arms Mao Aplasca, tinangging 'staged' putukan sa Senado!