Nagbigay ng reaksyon si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay sa umiinit na usapin sa Senado matapos ang kontrobersyal na political realignment na kinasangkutan ni Sen. Loren Legarda.
Sa isang Facebook post, nagpahayag ng suporta si Roque kay Legarda at isinulat ang linyang:
“Leandro Leviste could potentially become the President in the future kaya laban Sen. Loren,” ani Roque sa kaniyang FB post.
Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens, lalo na’t kasunod ito ng mga usap-usapang may mas malaki umanong political ambitions si Legarda matapos ang biglaang pagbabago sa liderato ng Senado.
Kasabay nito, naging usap-usapan din online ang pangalan ni Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste, anak ni Legarda, matapos maiugnay sa mgae spekulasyong posibleng may hinahandang mas mataas na political plans sa hinaharap.
May ilang netizens ang nagtatanong kung posibleng sinusubukan umanong buuin ang imahe ni Leviste para sa mas malaking papel sa pambansang politika, kabilang na ang posibilidad ng pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa mga susunod na taon.
Lumakas pa ang mga espekulasyon matapos ang mga naging kontrobersiya sa Senado at ang umano’y pagkakadikit ng pangalan ni Legarda sa mga usaping may kinalaman sa political alliances.
Kamakailan lamang ay naging laman din ng balita si Legarda matapos siyang mapabilang sa bagong majority bloc sa Senado kasunod ng pagbabago sa liderato ng kapulungan.