May 22, 2026

Home FEATURES Trending

‘Balik tayo sa flood control!’ Netizens, nadismaya sa mataas na pagbaha sa SLEX Bicutan

‘Balik tayo sa flood control!’ Netizens, nadismaya sa mataas na pagbaha sa SLEX Bicutan
Photo courtesy: ANG COOL TV (FB screenshot)

Bumoses ang netizens sa nag-viral na video ng mataas na baha sa Bicutan, Taguig bandang 7:00 ng umaga ngayong Sabado, Mayo 16. 

Mapapanood sa nasabing viral video na bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko sa Bicutan bunsod ng pagbabaha dahil sa mahinang pag-ulan. 

Sa maikling panayam ng Balita sa uploader na “Ang Cool TV,” ibinahagi nitong malapit na sila sa exit ng SM Bicutan patungong SLEX nang maabutan ang baha. 

Aniya pa, tantiya pa nila, maaaring hanggang tuhod o lagpas pa ang diinaanang baha. 

Kaya ang netizens, hindi napigilang bumoses ng kanilang pagkadismaya at nabanggit pa ang muling pagbabalik ng isyu ng pamahalaan sa flood control.

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

“Baka daw kasi nakalimot na sa Flood control issue, kaya pinaalala lang ng kalikasan at nagpaBAHA hahaha”

“Naku tag ulan na Naman.. magsisilabasan na ulit mga palpak na flood control ng dpwh. Busy pa sila Kay bato”

“open n ulit ang imbestiga sa flood control nyan ”

“Pinapaalala lang ng Flood control ang issue haha”

“Reminder lng po sa flood control di pa tapos”

“nasa "exciting part" nanaman tayo ”

“Ganyan dito sa pilipinas wala naman bagyo,kunting ulan lang,na baha na”