August 27, 2026

Home BALITA National

Doctor of Laws, Honoris Causa: PBBM, ginawaran ng honorary degree ng PLM

Doctor of Laws, Honoris Causa: PBBM, ginawaran ng honorary degree ng PLM
Photo courtesy: Screenshots from RTVM/FB

Personal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang "Doctor of Laws, Honoris Causa" degree na ipinagkaloob sa kaniya ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) nitong Huwebes, Agosto 27, sa isinagawang 58th Commencement Exercises ng pamantasan sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Si PBBM na rin ang panauhing pandangal ng nabanggit na event, na dinaluhan din ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

May temang “Mga Makabagong Pantas Taglay ang Karunungan Tungo sa Kadakilaan at Kaunlaran” ang nabanggit na commencement exercises.

“Today, I stand before you, humbled as the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila confers upon me the degree of Doctor of Laws, Honoris Causa—its highest honorary degree,” pahayag ni PBBM sa kaniyang talumpati, sa PICC Plenary Hall.

“I receive this honor with gratitude, mindful of the responsibility that comes with it,” aniya pa.

National

Xiao Chua sa alyas na 'Mary Grace Piattos:' 'Masarap siguro, malutong!'

Sinabi ng Pangulo na pinagtitibay ng pagkilalang ito ang isang prinsipyong ibinabahagi ng Administrasyong Marcos at ng PLM: na ang edukasyon ay dapat manatiling daan tungo sa mga oportunidad, maging salik sa pag-unlad, at magsilbing pundasyon ng pagbuo ng bansa.

Angkop na angkop daw ang tema ng commencement exercises dahil inilalarawan nito ang tunay na layunin ng edukasyon—ang gawing karunungan ang kaalaman, at gawing kahusayan, pag-unlad at paglilingkod ang karunungan.

“And that, more than any degree or title bestowed today, is the standard to which I hold myself,” pahayag ni PBBM.

Sinabi rin ng Pangulo na may espesyal na lugar ang PLM sa kanilang pamilya dahil minsang nagturo sa College of Law ng unibersidad ang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ang Honoris Causa ay honorary degree o parangal na ibinibigay ng isang pamantasan o kolehiyo sa isang tao bilang pagkilala sa kaniyang natatanging ambag o kontribusyon sa lipunan, sining, agham, o paglilingkod-bayan, nang hindi na kinakailangang dumaan sa regular na pag-aaral o pagsusulit.

Latin phrase ito na nangangahulugang "for the sake of honor."