August 27, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Ambeth Ocampo, binasag kasaysayang naulila sa edad na 14 si Andres Bonifacio

Ambeth Ocampo, binasag kasaysayang naulila sa edad na 14 si Andres Bonifacio
Photo courtesy: Ambeth Ocampo (FB)

Matagal nang itinuturo sa mga eskwelahan ang talambuhay ng kinikilalang “Ama ng Rebolusyon” at Supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) na si Gat. Andres Bonifacio. 

Batay sa mga tala sa kasaysayan at textbook na itinuturo sa mga paaralan, naulilang lubos si Andres sa edad na 14 at binuhay niya ang kaniyang mga kapatid sa pamamagitan ng pagtitinda ng baton at papel na abaniko, at pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. 

“Una niyang malaking trabaho ang klerk- mensahero  sa  kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and Company,” ayon sa Philippine Cultural Education. 

Ngunit tila bagong impormasyon ang gumulat at naglinaw kamakailan sa ibinahagi ng historyador na si Ambeth Ocampo sa publiko. 

Batay sa kaniyang Facebook post noong Agosto 25, 2026, natuklasan umano niya sa website na familysearch.org na nananatiling buhay ang mga magulang nina Andres na sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro noong 1881 sa edad niyang 17-anyos batay umano sa isang census noon sa Tondo. 

Human-Interest

ALAMIN: Bakit gumagamit ng alyas ang mga bayani noon?

Matatandaang isinilang si Andres sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. 

Paglilinaw ni Ocampo, 39-anyos na umano ang ama nina Andres na si Santiago at 36-anyos ang kaniyang ina na si Catalina, habang ang kaniyang mga kapatid na sina Ciriaco ay 15-anyos, Procopio ay 11-anyos, at 4-anyos naman si Espiridiona.

“In the 1881 Tondo Census Andres Bonifacio is 17 years old. His parents are still alive: his father Santiago Bonifacio was 39, and his mother Catalina de Castro was 36. Bonifacio's siblings were: Ciriaco (15) Procopio (11) and Espiridiona (4),” pagsisimula ni Ocampo. 

Photo courtesy: Ambeth Ocampo (FB). 

Pagpapatuloy ni Ocampo, tanging sa census lang umano noong 1885 sa Tondo kung makikitang hindi na kasama ang mga pangalan ng magulang Andres. 

Sa taon umanong ito, kasalukuyan na noong 21-anyos si Andres, habang 18-anyos si Ciriaco, 13-anyos si Procopio, 9-anyos si Espiridiona, 5-anyos si Troadio, at 4-anyos naman si Maxima. 

“In the 1885 Tondo Census, the parents are not listed. Only Andres (21), Ciriaco (18), Procopio (13) Espiridiona (9), Troadio (5) and Maxima (4),” ‘ika niya. 

Diin ng historyador, hindi raw niya maiisip ang posibilidad ng mga impormasyong maitatala niya kung may  familysearch.org na raw sa panahon nang magsimula siyang manaliksik sa kasaysayan noong apat na dekada na ang lumipas. 

“I cannot imagine what research I could have undertaken easily if the internet and sites like familysearch.org were available to me when I started 40 years ago,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Mapagpalayang bansa: Paano kung makikita ng mga bayani ang kasalukuyang Pilipinas?

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Si Andres Bonifacio bilang unang biktima ng 'election related violence'