Palalakasin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang maintenance protocols nito para sa LRT-1 fleet matapos ang insidente ng pagtagas ng tubig sa loob ng isang tren, ayon sa kompanya nitong Huwebes, Agosto 27.
Tiniyak ng LRMC sa publiko na “fully on top” na ang kanilang maintenance team sa insidenteng naganap sa isa sa mga railway carriage ng LRT-1.
“Our Maintenance Team identified a defective air-conditioning unit (ACU) drain line valve, which broke unexpectedly prior to its expected 3-to-5-year lifespan,” pahayag ng LRMC.
“The affected valve has since been replaced, and the unit is undergoing rigorous safety and maintenance checks to ensure optimal performance,” dagdag nito.
Dahil dito, sinabi ng LRMC na paiigtingin nito ang maintenance protocols sa pamamagitan ng mas madalas na inspeksyon sa ACU drain valve.
Mula sa dating inspeksyon kada 10,000 kilometro, isasagawa na ito kada 5,000 kilometro.
“In the longer term, we plan to replace these valves across the fleet to help prevent similar occurrences in the future,” pahayag ng LRMC.
Nag-viral sa social media noong Miyerkules, Agosto 26, ang video ng insidente, na nagbunsod sa ilang netizens na magkomento na tila umabot na rin sa loob ng mga tren ang problema ng bansa sa pagbaha.