August 23, 2026

Home SHOWBIZ

Darryl Yap, ayaw pa ring paawat kay Torre: 'Kutis-b*yag ka!'

Darryl Yap, ayaw pa ring paawat kay Torre: 'Kutis-b*yag ka!'
Photo Courtesy: Darryl Yap (FB), Mark Belmores/MB

Tumirada sa isa pang pagkakataon ang direktor na si Darryl Yap laban kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III matapos siya nitong supalpalin.

Kaugnay ito sa ginawang pagdepensa ni Torre sa patutsada ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa ilang guro na nagtuturo umano ng kawalan ng modo sa mga estudyante.

"Kaya, Darryl, bago ang 'PUTANG INA MO,' comprehension muna," saad ni Torre.

Dagdag pa niya, "Kung talagang ipinagmamalaki nating mga guro ang ating mga magulang, mas magandang ipakita nating natuto tayo sa kanila: basahin, intindihin, saka humusga."

Ngunit sabi lang ni Yap, "ANONG COMPREHENSION, COMPREHENSION! TANG INA NYO TOGETHER!”

Pelikula

Ispluk ni Direk Tonet: Manager, tumatanggi sa project nang di alam ng aktor na alaga

Sa kasalukuyan, binura na ng direktor ang nasabing post. Ngunit naiulat na ito sa ilang media outlets. 

At bilang tugon, sinabi ni Torre sa isang Facebook post niya noong Sabado, Agosto 22, na mas pinatunayan lang umano ni Yap ang puntong gusto niyang tumbukin.

Anang MMDA General Manager, "Hindi ito usapin kung sino ang mas malakas magmura o kung sino ang pinakamaingay sa social media."

"Ang tanong: ganito na ba ang gusto nating halimbawa sa kabataan—na kapag hindi mo kayang sagutin ang argumento, lakasan mo na lang ang boses at dagdagan ang mura?" dugtong pa ni Torre.

Bukod dito, kinuwestiyon din niya ang Viva at iba pang media company na nagbibigay ng platform sa mga influential personality na gaya ni Yap.

Kaya ito ang partikular na sinagot ng direktor sa pahayag ni Torre sa kaniyang Facebook post noong Sabado rin.

“Ano?” saad ni Yap. “ Ibubully mo at ng mga Trolls mo  ang VIVA dahil minura kita? kahit sabihin ko pang KUTIS-BAYAG ka, hindi mo mapipigilan ang kalayaan ng isang indibidwal sa pagpapahayag.”

Dagdag pa niya, “Ako pa lang yan. pakinggan nyong mabuti ang mura ng mga anak ng magsasaka, mga anak ng nasalanta ng baha, mga anak ng mga OFW na nangangamba sa karahasan sa bansa.”

Sa huli, pinayuhan ni Yap si Torre na huwag gumamit ng Facebook kung sensitibo ito.

“TANG INA NYO ULIT— WITH FEELINGS!” pahabol pa niya.

Maki-Balita: Torre, sinupalpal si Darryl Yap