August 23, 2026

Home BALITA National

ALAMIN: Lagay ng mga pangunahing dam sa bansa ngayong Agosto 23

ALAMIN: Lagay ng mga pangunahing dam sa bansa ngayong Agosto 23
Photo courtesy: MB


Naglabas ng datos ang Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) hinggil sa pinakahuling ulat patungkol sa estado ng mga pangunahing dam sa Pilipinas ngayong Linggo, Agosto 23.

Base sa inilabas na datos ng DOST-PAGASA, limang dam ang nakitaan ng pagtaas ng lebel ng tubig—Angat, Ipo, Ambuklao, Pantabangan, at Caliraya Dam.

Sa kasalukuyan, nasa 191.10 meters na ang water level ng Angat Dam; mas mataas sa talang 190.47 noong Sabado, Agosto 22.

Umangat naman ng 0.32 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam, kung saan umabot na ito ngayon sa 100.44 meters kumpara sa 100.12 kahapon.

Tumaas din ang water level ng Ambuklao Dam ng 0.11 meters; 0.45 meters sa Pantabangan; at 0.08 meters naman sa Caliraya Dam.

Samantala, may bahagyang pagbaba namang naitala sa lebel ng tubig ng La Mesa, Binga, San Roque, at Magat Dam.

National

Facebook, posibleng ipa-block ng CICC sa Pilipinas

Bumaba ng 0.06 meters ang water level ng La Mesa; 0.23 meters sa Binga; 0.27 meters sa San Roque; at 0.08 meters naman sa Magat Dam.

Noong nagdaang mga linggo, nagsimula ang pagtaas ng lebel ng tubig sa iba’t ibang pangunahing dam sa bansa—partikular na ang Angat Dam—dahil sa sunod-sunod na ulang ibinuhos ng southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Luzon.