Matagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisdang nawala sa karagatan ng Balayan Bay, Batangas noong Huwebes, Agosto 20.
Batay sa ulat ng PCG noong Sabado, Agosto 22, nakaranas ng engine problem sa kanilang motorbanca ang mga mangingisda habang pauwi sila at hindi agad nakapagbigay ng abiso dahil sa kawalan ng communication equipment.
Matapos ang higit-kumulang 20 oras, namataan sila ng kapwa mangingisda malapit sa Brgy. Anak Dagat, Lemery..
Tiniyak naman ng PCG na ligtas ang dalawang mangingisda nang marespondehan nila.
Sa pagtatapos ng pahayag, nagpaalala ang PCG sa mga mangingisda na magdala ng communication at safety equipment bago pumalaot sa dagat.