August 11, 2026

Home BALITA Metro

Akbayan, nagpadala ng ‘love letter’ sa SC

Akbayan, nagpadala ng ‘love letter’ sa SC
Photo Courtesy: Akbayan Party-list (FB)

Nakiisa ang Akbayan sa mga manggagawa sa pangunguna ni Rep. Perci Cendaña sa pagsusumite ng “love letter” sa Korte Suprema para silipin ang Temporary Restraining Order (TRO) na nagpaantala sa dagdag-sahod sa Metro Manila.

Inisyu ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152 ang naturang TRO noong Hulyo 30.

Sa latest Facebook post ng Akbayan nitong Martes, Agosto 11, sinabi ni Cendaña na ang nilalaman umano ng “love letter” ang pakiusap na bigyang-pansin ang malaking pagkakamaling ginawa ng Pasig RTC Branch 152.

“Mas malala pa sa feeling na ma-basted ang dinadamdam ng mahigit isang milyong manggagawa na umaasa sa dagdag-sahod para kahit paano ay makahabol sa taas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan,” saad ng kongresista.

Dagdag pa ni Cendaña,“Niligawan ng pangakong P85 wage hike, barya na nga, installment pa ang pagbigay, at ngayon, hinarang pa. We hope the High Court will act with urgency, probe this illegal order of the Pasig RTC, and stand with our workers.”

Metro

Lolo natumba, pumutok ang ulo nang maholdap sa Maynila!

Matatandaang nauna nang sinabi ni Akbayan Rep. Chel Diokno na hindi puwedeng pigilan ng korte ang implementasyon ng wage order alinsunod sa sinasaad ng Article 126 ng Labor Code.

Inianunsyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang tungkol sa ₱85 na karagdagang sahod para sa lahat ng minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) noong Hunyo 30.

Maki-Balita: Pagpapatupad ng wage order, ‘di pwedeng pigilan—Diokno