August 10, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

QC Veterinary Dept., nagtalaga ng evacuation sites para sa fur babies

QC Veterinary Dept., nagtalaga ng evacuation sites para sa fur babies
Photo courtesy: Quezon City Veterinary Department (FB)

“No animals left behind!” 

Ito ang panawagan ng Quezon City Veterinary Department (QCVD) kasunod ng perwisyo at panganib na dala ng Habagat hindi lamang sa mga residente ngunit pati na rin sa mga alagang hayop. 

Mababasa sa post ng QCVD noong Linggo, Agosto 9 na upang maingatan ang mga alaga sa posibleng banta ng landslide o pagbaha, naka-deploy ang Pet Evacuation Area sa Brgy. Bagong Silangan.

Ang mga sumusunod ay naitala sa naturang evacuation area: 

- 25 adult dogs
- Apat na mga tuta
- Tatlong pusa

Kahayupan (Pets)

ALAMIN: Bakit nag-iingay ang mga pusang ina?

Nakaantabay din dito ang mga beterinaryo at QC Veterinary Response Team upang tumulong sa pangangalaga at pag-monitor sa kalagayan ng mga hayop. 

Ipinanawagan ng QCVD sa fur parents na sakaling kailanganin nilang lumikas, huwag kalimutang isama ang mga alagang hayop. 

Pagdating naman sa evacuation area, siguraduhing ligtas, tuyo, at maayos ang kalagayan ng mga ito.