August 11, 2026

Home BALITA National

Atty. Lorna Kapunan, binira pang-Indian ng defense sa prosecution!

Atty. Lorna Kapunan, binira pang-Indian ng defense sa prosecution!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Tinabla ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang umano’y pang-Indian o hindi pagpapakita ng defense panel sa itinakdang mga araw na Huwebes o Biyernes noong nakaraang linggo para daw sana makumpara nila ang kanilang mga dokumento. 

Sa naging manipestasyon ni Kapunan sa pagsisimula ng ika-14 na araw ng Senate impeachment trial nitong Martes, Agosto 11, 2026, inilahad niya sa Korte ang inisyung direktiba umano ni presiding officer at Senator-Judge Chiz Escudero na magkasundo raw ang prosecution at defense ng alinman sa mga araw na Huwebes at Biyernes noong nakaraang linggo. 

Ani Kapunan, kaugnay raw ito sa kanilang 4,492 na mga dokumento na nais ipasiyasat sa defense para sa purposes of comparison. 

Tirada pa niya, “na-Indian” hindi raw sila sinipot ng kabilang panig at hindi raw sinagot ng defense ang ipinadalang text message ng prosecution noong nakaraang Miyerkules, Agosto 5, 2026. 

“Ito po ang nangyari, na-Indian po kami. Why do I say that? Wednesday, we made a text message and I have the text message here. ‘When do we meet, tomorrow or Friday?’ Wala pong sagot noong Wednesday,” ‘ika niya. 

National

Gobyerno, 'di kakayaning magtrabaho nang magtrabaho kung pabaya nang pabaya ang taumbayan—Palasyo

Saad ni Kapunan, naghintay raw sila buong araw sa defense noong nakaraang Huwebes, Agosto 6, ngunit wala pa rin daw itong sagot sa kanila. 

“On Thursday, we waited for the whole day. ‘Kailan tayo magme-meet? Thursday na ngayon. Friday na bukas. Our witness will be on board on Monday.’ Wala pa ring sagot, Your Honor. The whole day of Thursday,” aniya. 

Paglilinaw naman ni Kapunan, nakatanggap daw sila ng text mula sa defense bandang 5:30 ng hapon noong Huwebes at ipinaalam daw nitong maaari silang makipagkita sa prosecution panel sa darating na Biyernes, Agosto 14, 2026. 

“When napakalinaw naman sa directive ng presiding officer na mag-agree on a date on Thursday or Friday of last week,” anang private prosecutor. 

Buwelta pa niya, “August 14, what good will that do to us? The hearing is today, August 10. And they want us to appear before the clerk of court to compare documents on August 14.” 

Diin ni Kapunan, mas nabahala raw sila nang sinabi ng defense na wala naman umanong direkta ang presiding officer sa eksaktong araw, maliban umano kung magkakasundo raw ang mga panig sa pagtatakda ng oras at petsa. 

“That is bad faith, Your Honor. Because sinabi ng presiding officer ang specific dates,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy ni Kapunan, sinubukan din daw ng prosecution na hikayatin ang defense na gawin na ang pagkukumpara ng mga dokumento nitong umaga ng Martes, Agosto 11, ngunit hindi pa rin daw iyon nangyari. 

Paliwanag naman ni Atty. Kristine Ferrer, mula sa defense panel, hindi na raw nila kailangan ng pagkukumpara upang maintindihan kung magkatulad daw ang kanilang mga dokumento. 

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino si Atty. Lorna Kapunan ng prosecution panel?

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si Xylene del Campo, ang ikapitong testigo ng prosecution!

Inirerekomendang balita