Natapos nang tumestigo si dating state auditor sa Intelligence and Confidential Fund Audit Office (ICFAO) ng Commission on Audit (COA) na si Atty. Roderick Wamil nitong Miyerkules, Agosto 5, 2026.
Dahil dito, agad nang ipinakilala ng prosecution panel ang ikapitong testigo nila na si COA-ICFAO State Auditor Xylene del Campo kaugnay pa rin sa Article I ng Articles of Impeachment.
NGUNIT SINO NGA BA SI OCAMPO?
Sa pagsisimula ng direct examination ng prosecution kay Ocampo nitong Miyerkules, ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang kasalukuyang state auditor ng COA-ICFAO.
Aniya, nagtapos daw siya ng kolehiyo sa St. Louis University at nakakuha ng degree sa kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA).
Paglilinaw ni Campo, hindi pa raw siya nagkakaroon ng ibang posisyon sa COA magmula nang pumasok siya naturang ahensya noong Agosto 26, 2014.
ANO ANG TRABAHO NG COA-ICFAO?
Kagaya ng nauna nang paliwanag ni Wamil, inilahad din ni Campo sa Senate impeachment court na isang opisina ang COA-ICFAO sa ilalim ng Office of the Chairperson na may gampaning mag-audit sa confidential at intelligence funds ng mga ahensya ng pamahalaan.
“Ang COA-ICFAO po ay office under the Office of the Chairperson na nagte-take incharge po sa audit ng intelligence and confidential funds ng mga government agencies,” pagsisimula niya.
Ani Campo, nakapag-audit na raw siya sa mga local na unit ng pamahalaan, mga government owned and controlled corporations, at maging sa mga ahensya raw ng national government.
Partikular umano sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
“Ang mga na-audit ko po is mga local government units, government owned and controlled corporations, at saka po mga national government agencies—na kasama po dito ang Office of the Vice President at Department of Education,” aniya.
ANO ANG KONEKSYON NG TRABAHO NI CAMPO SA CONFIDENTIAL FUNDS NI VP SARA SA OVP AT DEPEN?
Paglilinaw ni Campo, ang liquidation documents ng OVP sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara lang daw ang tanging na-audit niya dahil iyon lang daw ang naisumite sa kanila magmula raw nang magkaroon siya ng posisyon sa COA-ICFAO.
“Noong magsimula po ako sa COA-ICFAO, ang na-audit ko lang po na liquidation document ng Office of the Vice President ay kay Vice President Sara Duterte. Dahil nga po from 2014 hanggang sa ngayon, ‘yong nai-submit po sa amin na liquidation documents is sa confidential funds po ni VP Sara,” paliwanag niya.
Pagpapatuloy ni Campo, tanging ang submitted liquidation documents lang din daw ng confidential funds ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara ang na-audit niya magmula noong 2014.
“Sa DepEd naman po, ang na-audit ko lang po na liquidation documents na na-submit sa office namin is liquidation documents sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte noong siya ay Secretary of Education,” ‘ika niya.
Pahabol pa niya, “Dahil po from 2014 to present, siya lang po ‘yong Secretary of Education na may confidential funds.”
Ayon kay Campo, siya raw ang pumalit kay Wamil bilang state auditor ng COA-ICFAO.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino si Atty. Roderick Wamil bilang ika-6 na testigo vs VP Sara?
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, tanging BP, DepEd sec. na may confidential funds—testigo