August 10, 2026

Home FEATURES Trending

#BalitaExclusives: Delivery truck, tumagilid sa SLEX; mga kargang pakete ng juice, nagkalat!

#BalitaExclusives: Delivery truck, tumagilid sa SLEX; mga kargang pakete ng juice, nagkalat!
Photo courtesy: Marlverick Jan Kasilag (FB screenshot)

Tumagilid sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) ang isang delivery truck na may mga kargang karton ng pakete ng juice bandang 8:45 ng umaga nitong Lunes, Agosto 10. 

Sa kuhang video ng motorista at netizen na si Marlverick Jan Kasilag, mapapanood na nakabalagbag ang truck sa gitna ng southbound lane habang nakakalat ang pakete ng mga juice na karga nito. 

Sa maikling panayam ng Balita kay Kasilag, ibinahagi niyang halos isang kilometro ang naidulot na haba ng trapiko ng insidente dahil dalawa hanggang tatlong linya ang nasakop ng tumagilid na truck sa southbound lane. 

Habang ang mga kumalat ng mga pakete ng juice ay umabot na sa northbound lane. 

“Almost a kilometer long na po since nag-bottleneck na dun sa area of accident, nasa 2-3 lanes kasi un nasakop then may debris dn ng sasakyan dun sa innermost lane ng northbound lane,” ani Kasilag. 

Trending

Spider-Man cosplayers, rumampa sa mall; humataw sa ‘Oohh Lala Baby’

Bukod pa rito, binanggit din ni Kasilag na sira na ang concrete barrier sa SLEX. 

Kaya hinala niya, bumangga ang truck dito bago ito tuluyang tumagilid. 

“[T]apos dislocated na un concrete barrier kaya suspected ko bumangga sa barrier un sasakyan before tumagilid,” dagdag pa ni Kasilag.