Nagbigay ng paalala si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno kaugnay sa pagpapatupad ng wage order sa Pilipinas.
Naglabas kasi ng temporary restraining order (TRO) ang Pasig Regional Trial Court noong Hulyo 30, 2026, upang pansamantalang suspendihin ang ₱85 minimum wage hike sa Metro Manila hanggang Agosto 13, 2026.
Kaya sa latest Facebook post ni Diokno nitong Biyernes, Hulyo 31, sinabi niyang hindi puwedeng pigilan ng korte ang implementasyon ng wage order alinsunod sa sinasaad ng Article 126 ng Labor Code.
“Sa Article 126 ng Labor Code, hindi maaaring pigilan ng korte ang pagpapatupad ng wage order. Dapat manaig ang batas at ang karapatan ng mga manggagawa,” saad ni Diokno.
Dagdag pa niya, “Dapat manaig ang batas at ang karapatan ng mga manggagawa.”
Samantala, patuloy pa rin naman daw nilang isinusulong ang ₱200 Daily Minimum Wage Increase Bill (HB 766) upang siguraduhin ang disenteng pamumuhay para sa bawat manggagawang Pilipino.
Matatandaang unang inianunsyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang tungkol sa ₱85 na karagdagang sahod para sa lahat ng minimum wage earners sa National Capital Region (NCR) noong Hunyo 30.
Tinatayang aabot sana sa 1.1 milyong daily earners ang makikinabang umano sa dagdag-sweldong ito, sabi ni Tolentino sa isang event sa Malabon Center Market noon ding huling araw ng nasabing buwan.
Maki-Balita: DOLE, inanunsyo ₱85 minimum wage increase sa Metro Manila