August 10, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Pulis na nasawi sa pagsagip sa dalawang kasamahan, sinaluduhan

Pulis na nasawi sa pagsagip sa dalawang kasamahan, sinaluduhan
Photo courtesy: PNP (FB)

Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng isang pulis na nasawi sa kasagsagan ng pagsagip niya sa dalawang kasamahang inanod ng malakas na alon sa kanilang seaborne patrol sa Cadiz City, Negros Occidental. 

Sa mensahe ng PNP noong Linggo, Agosto 9, kinilala ang nasabing pulis bilang si Police Master Sergeant (PMSg) Fernando P. Marfa. 

Anila nasawi si Marfa noong Biyernes, Agosto 7 habang isinasagawa ang kanilang seaborne patrol kasama ang mga miyembro ng Bantay Dagat bandang 10:30 ng umaga sa Sitio Bisang, Barangay Luna. 

Sa kabila ng panganib, binanggit ng PNP na hindi nag-alinlangan si Marfa na iligtas ang mga kasamahang natangay ng alon habang tumatawid sa ilog. 

Nang lumubog si Marfa dahil sa lakas ng alaon, agad na nagsagawa ng “search and retrieval operations” ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Human-Interest

‘Tsundoku:’ Ang kultura at habit ng pangongolekta ng mga libro

Nang ma-recover si Marfa, naisugod pa siya sa Cadiz District Hospital ngunit sa kasamaang palad, naideklara siyang “dead on arrival.”

Nailathala ring “asphyxia by drowning”’ ang naging dulot ng kaniyang pagkasawi.

“Sa halip na unahin ang sariling kaligtasan, pinili niyang iligtas ang kanyang kasamahan. Hindi malilimutan ang kanyang tapang at sakripisyo,” pagkilala at pakikiramay ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.

“PMSg Fernando Marfa exemplified the true meaning of service above self. His final act was one of extraordinary courage, choosing to risk his own life to save others. We mourn the loss of a dedicated police officer, a brave public servant, and a hero. On behalf of the men and women of PRO NIR, we extend our deepest condolences to his family and assure them that his sacrifice will always be remembered and honored,” saad naman ni Regional Director PBGEN Romano V. Cardiño mula sa Police Regional Office Negros Island Region sa hiwalay na pahayag.