July 26, 2026

Home BALITA

11-anyos na babae, pinagsamantalahan at isinako nang buhay ng ilang kalalakihan!

11-anyos na babae, pinagsamantalahan at isinako nang buhay ng ilang kalalakihan!
Photo courtesy: Unsplash

Hindi na nakauwi pa nang buhay ang isang 11 taong gulang na batang babae mula sa isang birthday party matapos siyang abusuhin at patayin ng ilang kalalakihan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dumalo lamang ang bata sa birthday party ng kaniyang kaibigan sa kanilang lugar ngunit hindi na ito nakauwi matapos ang naturang pagtitipon. Kinabukasan, natagpuan ang kaniyang katawan sa isang lawa sa bayan ng Baruipur sa West Bengal, India. 

Napag-alamang ginahasa ang biktima nang hindi pa natutukoy na bilang ng ilang kalalakihan at saka umano isinako nang buhay at inihagis sa lawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Samantala, muli namang nabuksan ang usapin ng karahasan sa kababaihan sa India na matagal na umanong isyu dahil sa seguridad maging ng ilang mga batang babae. Panawagan ng ilan, magpataw ng mas mabibigat na kaparusahan sa mga nahahatulang sangkot sa ganitong mga krimen.

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!

Batay sa datos ng National Crime Records Bureau ng India, libo-libong kaso ng panggagahasa ang naitatala bawat taon, habang patuloy ding tumataas ang bilang ng mga paglabag sa Protection of Children from Sexual Offences Act (POCSO), na nagbibigay ng espesyal na proteksyon sa mga batang biktima ng pang-aabuso.

Ilang grupong nagsusulong ng karapatan ng kababaihan at mga bata ang naniniwalang nananatiling hamon sa bansa ang kakulangan sa mabilis na pag-usad ng mga kaso at limitadong bilang ng mga espesyal na hukuman.