Aminado raw si Asia's Outstanding Superstar Kathryn Bernardo na nahirapan siyang buuin ang karakter niya sa upcoming series na "Someone, Someday" na ipalalabas soon sa ABS-CBN platforms, at iba pang ka-collab ng Kapamilya Network gaya ng TV5, A2Z, at ALLTV.
Ito rin ang unang pagtatambal nila sa serye ng kapwa Kapamilya star na si James Reid, kahit na matagal na silang magkasama sa network, pero may kani-kaniyang ka-love team.
Sa panayam ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, inamin nga ni Kathryn na nahirapan siya sa pagbuo ng karakter niya sa nabanggit na comeback series.
Paliwanag niya, kumuha siya ng mga katangian mula sa mga karakter na ginampanan niya mula sa "Mara Clara," "Got to Believe," "2 Good 2 Be True," at pelikulang "A Very Good Girl."
Bukod sa pagbabalik niya sa teleserye, ito rin ang unang beses na magsasama silang dalawa ni James. Dito ay may inamin si Kathryn sa naging working relationship nila ng aktor.
"Matagal din kaming nag-warm up ni James. Definitely. Hindi siya yung instant na nag-click kami pareho. We don't wanna force it to... parang nagtatantyahan kami, I was so curious about him, kung paano siya magtrabaho, how he is on set," pag-amin ni Kat.
Inilarawan pa niya si James bilang "very quiet."
Pero nang tanungin kung nangungulit din ba siya, natatawa niyang sabi, "No, I'm shy too. Shy kami pareho."
Unang mapapanood ang serye sa Netflix sa darating na Hulyo 24 sa iWant naman ay Hulyo 25, at sa Hulyo 27 naman magsisimulang mapanood sa free TV, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.
Maki-Balita: Maja Salvador kasama sa project nina James Reid, Kathryn Bernardo