August 10, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

'Di n'yo ako iniwan!' Jolina Magdangal, nagpasalamat sa fans sa bago niyang teleserye

'Di n'yo ako iniwan!' Jolina Magdangal, nagpasalamat sa fans sa bago niyang teleserye
Photo courtesy: MB

Mariing nagpasalamat ang aktres na sj Jolina Magdangal sa kaniyang mga tagasuporta matapos niyang magkaroon ng bagong teleserye sa bagong istasyon. 

Sa Facebook post ni Jolina noong Linggo, Agosto 9, 2026, ipinabatid niya sa publiko na matindi raw ang pakiramdam niya dahil unti-unti nang natutupad ang matagal na niyang dinarasal.

Kaugnay ito sa pagbida ni Jolina sa bago niyang morning comedy-drama series na “Mommy Guard” sa TV5. 

Makakasama ni Jolina sa naturang serye ang kaniyang dating on-screen partner na si Marvin Agustin. 

“Sa totoo lang, sobra akong overwhelmed at punong-puno ng saya,” pagsisimula niya. 

Teleserye

May nanalo ng ₱5k! Susan Africa, nahanapan ng eksenang umuubo siya sa teleserye

Dagdag pa ng aktres, “Napakarami nang taon ang lumipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo ako iniwan, ganun din ang labtim kong si Marvin.”

Ani Jolina, tila masarap daw isipin na nagkakaroon pa rin sila ng proyekto ni Marvin nang magkasama kahit tinahak na nila ang kaniya-kaniya nilang buhay. 

“Ang sarap isipin na kahit kami ay nag-pursue na ng aming mga kanya-kanyang buhay ay nabibigyan pa din kami ng pagkakataon na magsama at gumawa ng  malalaking proyekto tulad nito,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Jolina, habambuhay raw niyang iingatan ang pagmamahal at tiwala ng publiko at tagasuporta nila. 

“Habambuhay kong pahahalagahan ang pagmamahal at tiwalang ipinagkaloob ninyo sa amin,” diin niya. 

“Patuloy akong magsisikap na mag-evolve kasama ang mga taong walang sawang naniwala at sumuporta sa amin sa pagdaan ng mga taon, habang buong puso ring tinatanggap at pinapahalagahan ang mga bagong nakikiisa sa aming paglalakbay,” pangako pa ng aktres. 

Samantala, pinasalamatan din ni Jolina ang TV5 Management at Star Magic Family sa pagbibigay umano muli sa kaniya ng malaking pagkakataon upang maibahagi raw ang kaniyang talento bilang artista at bilang isang tao.