Dumulog sa Google si Sen. Robin Padilla para ipaliwanag ang pagkontra niya sa pagkakahalal ni ni Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa nasabing paglilitis na ginanap nitong Lunes, Hulyo 6, kabilang si Padilla sa walong senador na tumutol sa pagtayong presiding officer ni Escudero.
“Humingi po ako ng tulong sa Google kasi legal terms po ito. Hindi naman po ako nagtapos sa UP. Hindi rin po ako nagtapos sa Ateneo. Nagtapos po ako ng criminology. At UP rin: University of Prison,” saad ni Padilla matapos bumoto.
Matatandaang itinutulak ng Senate minority bloc na si Senate President Win Gatchalian ang dapat mag-preside sa impeachment ni VP Sara.
Giit ni Padilla, dapat sundin ang sinasabi ng Saligang Batas kaugnay sa kung sino ang dapat tumayong presiding officer kapag Bise Presidente ang nililitis.
Aniya, "Ang batas po ay precise. Hindi po ito puwedeng iba-ibahin, o baluktutin. Kung ano po ang sinasabi ng Saligang Batas, sana po ay panghawakan natin.