July 03, 2026

Home BALITA

Akbayan: Scriptwriter ng mga kasinungalingan sa korte, masasampolan!

Akbayan: Scriptwriter ng mga kasinungalingan sa korte, masasampolan!
Photo Courtesy: Pexels

Isinusulong ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang panukalang batas na magpaparusa sa mga sumusulat ng script para magsinungaling umano sa korte. 

Sa latest Facebook post ni Diokno nitong Biyernes, Hulyo 3, sinabi niyang inihain niya ang House Bill No. 9851 upang ipagbawal ang “subornation of perjury.”

Sa ilalim ng nasabing panukala, ituturing bilang krimen ang pamumuwersa, pag-utos, o pagbayad sa isang tao para magsinungaling sa harap ng korte o sa isang legal na dokumento tulad ng affidavit.

Paparusahan ang nag-utos ng kasinungalingan na parang ito mismo ang gumawa ng perjury.

Samantala, kung public officer naman o empleyado ng gobyerno ang gumawa, mas mabigat ang kaukulang parusa. 

National

6K pulis, ide-deploy para sa impeachment trial vs VP Sara

Sakaling mapatunayan, maaaring madiskwalipika habambuhay sa anomang appointive o election position ng gobyerno.

Matatandaang ang batas na nagpaparusa sa pagsisinungaling sa korte ay ang Article 183 at Article 184 na nakasaad sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines.  

Pinabigat pang lalo ang kaparusahan para rito sa bisa ng Republic Act No. 11594 na nilagdaan noong 2021.