August 20, 2026

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Asong lumalangoy sa rumaragasang ilog, nasagip!

Asong lumalangoy sa rumaragasang ilog, nasagip!
Photo courtesy: QCDRRMC (FB screenshot)

Matagumpay na nailigtas ng ilang tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) ang isang asong lumalangoy sa ilog sa kasagsagan ng pagbaha dulot ng Habagat. 

Mapapanood sa kuhang video ng QCDRRMD noong Miyerkules, Agosto 19, na inabot ng mga tauhan ang asong lumalangoy sa rumaragasang ilog gamit ang isang mahabang lubid hanggang sa matagumpay nila itong maingat pabalik sa tulay. 

Sa pagtatapos ng naturang video, makikita ring umapaw na ang ilog sa tulay bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan sa iba’t ibang parte ng bansa. 

Sa kabilang banda, pinuri at pinasalamatan ng netizens ang mga rumespondeng tauhan sa aso. 

Kahayupan (Pets)

Malas nga ba? Mga pamahiin tungkol sa itim na pusa