August 20, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga senyales ng landslides tuwing umuulan

ALAMIN: Mga senyales ng landslides tuwing umuulan
Photo courtesy: Kemm Gutierrez Olarte - PIO BAGUIO via Benjie Magalong (FB)

Sa pagtatapos ng “search and rescue” sa malagim na pagguho ng lupa sa Brgy. Guisad Surong, Baguio City, 10 ang naitalang nasawi at tatlo naman ang nakaligtas ayon kay Mayor Benjamin Magalong noong Martes, Agosto 11. 

Sa mensaheng ipinahayag ni Magalong sa social media niya, nagpaabot siya ng pakikiramay sa mga naulilang kaanak ng mga biktimang nasawi. 

“The loss of ten lives in the recent landslide is a deeply painful moment for our city. I extend my sincere condolences to the families and loved ones of those we lost. No words can lessen the sorrow of losing a family member, especially in such sudden and tragic circumstances. We grieve with every family who waited and hoped during the search, and we share in the sadness that has settled over our community. Our thoughts and prayers remain with them during this very difficult time,” pakikidalamhati ng alkalde. 

Kasunod ng nakalulungkot na pangyayaring ito, narito ang mga senyales ng landslides na mahalagang bantayan, ayon sa Department of Health (DOH): 

1. Mga bitak sa lupa o pader

Human-Interest

ALAMIN: Opisyal na naganap sa AdZU school shooting incident batay sa PNP!

2. Biglaang paglabas ng tubig o putik mula sa lupa o pader. 

3. Pagtabingi ng mga poste, bakod, o puno. 

4. Hirap sa pagbukas ng mga bintana o pinto dahil sa paggalaw ng lupa. 

Kung sakali namang maabutan ng pagguho ng lupa, narito ang mga dapat gawin: 

1. Lumipat sa mas ligtas at mataas na lugar kung saan malayo ang lugar ng pagguho. 

2. Iwasan ang gilid ng mga bundok at ilog. 

3. Maiging ipaalam sa barangay o local government unit (LGU) kung may napansing palatandaan ng landslide. 

4. Tumawag sa Unified 911 o local emergency hotlines kapag kailangan ng agaran o karagdagang tulong. 

Sa hiwalay na abiso, ipinaalala rin ng DOH sa mga motorista ang mga sumusunod para sa ligtas na pagmamaneho sa kasagsagan ng maulang panahon: 

1. Ugaliing i-check ang “BLOWBAGETS”  (battery, lights, oil, water, brakes, air, gas, engine, tires, self) bago lumarga sa kalsada. 

2. Iwasang isuong ang kotse sa baha. 

3. Iwasang magmaneho ng mabili. 

4. Iwasang gumamit ng hazard lights habang umaandar ang kotse. 

5. Panatilihin ang distansya at iwasan ang tailgating. 

6. Buksan ang headlight kapag nagmamaneho sa dilim.