Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme ngayong Biyernes, Agosto 21, 2026, isang special non-working holiday, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa pahayag ng MMDA nitong Huwebes, Agosto 20, awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at non-working holidays.
Nagpaalala rin ang ahensya na planuhing mabuti ang pagbiyahe upang maiwasan ang anumang problema sa kalsada. At sumunod sa batas-trapiko at mag-ingat sa inyong pagmamaneho.
Samantala, ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ang tamang pasahod sa kanilang mga manggagawa ngayong Agosto 21.
Maki-Balita: Guidelines sa tamang pasahod sa Agosto 21, 31 ibinaba ng DOLE