August 15, 2026

Home BALITA National

Guidelines sa tamang pasahod sa Agosto 21, 31 ibinaba ng DOLE

Guidelines sa tamang pasahod sa Agosto 21, 31 ibinaba ng DOLE
Photo courtesy: MB

Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ang tamang pasahod sa kanilang mga manggagawa sa darating na Special Non-Working Day sa Agosto 21 at Regular Holiday sa Agosto 31. 

Ang mga sumusunod na guidelines ang ibinaba ng DOLE para sa Agosto 21, Ninoy Aquino Day: 

Sa mga empleyadong hindi papasok, ipatutupad ang “no work, no pay.” 

Para sa mga empleyado namang papasok, obligado ang employer na bayaran sila ng karagdagang 30% ng sahod sa unang walong oras  ng kanilang pagtatrabaho.

Kung lalagpas ng walong oras ang pagtatrabaho ng empleyado, obligado ang employer na dagdagan pa ng 30% ang sahod nito. 

National

Lotto jackpot estimate: ₱132.5M, nakaambang mapanalunan!

Ang mga sumusunod namang guidelines ay para sa Agosto 31, National Heroes Day: 

Sa mga empleyadong hindi papasok, kinakailangan pa ring bayaran ng employer ang 100% ng kanilang sahod sa araw na ito.

Para sa mga empleyadong papasok sa araw na ito, obligado ang employer na ibigay ang 200% na kanilang sahod sa unang walong oras ng kanilang pagtatrabaho. 

Kung lalagpas ng walong oras ang pagtatrabaho ng mga empleyado, obligado ang employer na dagdagan ng 30% ang sahod ng mga ito.