August 20, 2026

Home BALITA National

Zubiri sa violent content, addictive platforms: 'We need to act before this becomes normal!'

Zubiri sa violent content, addictive platforms: 'We need to act before this becomes normal!'
Photo courtesy: MB

Nagpahayag ng pagsuporta si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mungkahing paghihigpit o pagbabawal sa paggamit ng social media sa mga bata, kasunod ng mga insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Sa X posts niya noong Miyerkules, Agosto 19, iginiit ni Zubiri na hindi maaaring balewalain ang posibleng epekto sa mga bata ng paulit-ulit na pagkakalantad sa mararahas na content at paggamit ng mga platform na maaaring maging addictive.

“Kapag ang isang bata ay kayang manood, maglaro at makakita ng violence for hours every day, we cannot pretend walang epekto iyon. The times have changed, and our laws must catch up. I support a serious social media ban for children," aniya.

Ayon pa kay Zubiri, malaki na ang ipinagbago ng kapaligiran kung saan lumalaki ang kabataan kumpara sa nakaraang henerasyon.

“Noong panahon namin, cartoons taught good versus evil, family and standing up for what is right. Ngayon, many kids are growing up surrounded by violent content and addictive platforms. We need to act before this becomes normal.”

National

'Neneng' nakalabas na ng PAR; tsansa ng pag-ulan sa Metro Manila, mas mababa na

Ang pahayag ni Zubiri ay kasunod ng muling pagsusulong sa Senado ng mga panukalang maglilimita sa access ng mga menor de edad sa social media.

Kabilang dito ang Senate Bill No. 2066 ni Senate President Sherwin Gatchalian na naglalayong pagbawalan ang mga batang edad 16 pababa na magkaroon ng social media accounts.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Zubiri ng suporta sa mas mahigpit na regulasyon sa paggamit ng social media ng mga bata.

Noong Hunyo, kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, nanawagan na rin siya para sa seryosong pagtalakay sa posibilidad ng pagbabawal o mahigpit na paglilimita sa social media access ng mga bata.

Sa mga bagong pahayag, muling binigyang-diin ng senador ang pangamba sa epekto ng violent content at iba pang mapanganib na online material sa mga kabataan.

Kasabay nito, umigting ang panawagan ng ilang senador para sa mas mahigpit na proteksiyon sa mga bata online matapos ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Martes, Agosto 18, na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Maki-Balita: Sen. Zubiri, pabor sa social media ban sa bagets: 'The times have changed, laws must catch up!'