August 20, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Opisyal na naganap sa AdZU school shooting incident batay sa PNP!

ALAMIN: Opisyal na naganap sa AdZU school shooting incident batay sa PNP!
Photo courtesy: ZCPD (FB)

Nagulantang ang publiko at mga estudyante sa naganap na school shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) - Junior High School umaga noong Martes, Agosto 18, 2026, na nagresulta sa pagkasawi ng isang mag-aaral, at ng Child in Conflict with the Law (CICL) victim mismo.  

KAUGNAY NA BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!

Matapos ito ng naunang insidente ng school shooting incident sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, 2026, dahilan para masawi ang tatlong mga mag-aaral. 

KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

Ngunit ano nga ba ang mga detalyeng nangyari sa hindi inaasahang school shooting incident batay sa imbestigasyon ng Zamboanga City Police Department (ZCPD)? 

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang 'Robin Padilla Law' na pinuna ni SILG Remulla?

Batay kay PCol. Fidel Fortaleza, Jr., sa naging pagdalo niya sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Huwebes, Agosto 20, 2026, inihayag niyang makikita pa raw noong umaga ng Martes, Agosto 18, ang ilan nilang police personnel sa gate ng AdZU-Junior High School upang mag-implementa ng police visibility at tumulong sa daloy ng trapiko sa kalsada. 

“Before po ng insidente, we have a police personnel conducting police visibility ang giving assistance to the students, commuters, and giving traffic assistance within the perimeter along Tumaga-Lunzuran Road Zamboanga City, in front of the Atene de Zamboanga University-High School (AdZU). It was about 7:44 in the morning,” pagsisimula niya. 

SIMULA NG PAGPAPAPUTOK HANGGANG BARILIN UMANO NG CICL VICTIM ANG SARILI

Ani Fortaleza, 7:44 din daw ng umaga nang makarating ang Grade 9 student na CICL victim sa campus ng AdZU at nagsimulang magpaputok matapos lang ang ilang mga segundo o minuto. 

“7:44 po dumating po ‘yong shooter victim natin na estudyante and in few seconds, few minutes, nag-start na po ‘yong shooting. Nagpaputok na po siya,” aniya. 

Dagdag ni Fortaleza, una raw nagpaputok ng baril ang CICL victim sa room 405 sa 4th floor at lumipat ito sa room 404 sa parehong palapag, kung saan dito umano tinamaan ang isang Grade 10 student ng bala. 

“Una po sa 4th floor, sa room 405 and then lumipat po siya sa room 404. Wherein ‘yong isang biktima po ay tinamaan ng bala,” anang pulis. 

PAGRESPONDE NG MGA AWTORIDAD NA MALAPIT SA LUGAR NA PINANGYARIHAN NG INSIDENTE

Diin ni Fortaleza, agad umanong nakaresponde ang mga pulis na nag-implementa ng police visibility sa labas ng gate ng naturang campus at kasama ng mga ito ang mga security guard ng pamantasan. 

“Nakapagresponde kaagad ang mga pulis natin… ‘Yong mga pulis natin ay nagresponde na po with the securities upon hearing the gunshot inside perimeter building of the AdZU.” 

Mapapanood din sa ipinakitang CCTV footage ni Fortaleza sa Komite ng Senado ang pagtakbo ng mga estudyante at magulang na hindi pa nakakapasok sa campus matapos nilang marinig ang putok ng baril. 

Naabutan pa umano ng mga awtoridad ang CICL victim at sinigawan nila ito na ibaba ang dala nitong dalawang handgun ngunit pumunta raw ito sa ikalimang palapag ng gusali at doon umano nagbaril ng kaniyang sarili. 

“After few minutes, umakyat siya sa 5th floor at doon po nagsarili ng baril po, sa sarili niya. ‘Yon po ay na-witnessan ng mga nagresponde nating pulis. Nagbigay po ng warning. They are shouting to drop the gun pero ‘yong CILC victim shooter natin ay umakyat po ng 5th floor at doon po niya binaril ‘yong sarili niya,” kuwento niya. 

Samantala, kinumpirma rin ni Fortaleza ang pagdating at pag-deploy ng kanilang SWAT team sa lugar na pinangyarihan ng insidente bandang 7:00 hanggang 7:55 ng umaga noong Martes. 

“Nag-announce po ako na huwag pong mag-panic ‘yong mga parents at mga may kamag-anak sa loob ng AdZU sapagkat na clear ‘yong threat upon responding of our police personnel,” saad niya. 

BILANG NG MGA NASAWI, NASUGATAN, AT NADALA SA OSPITAL 

Pagtitiyak ni Fortaleza, dalawa raw ang naitalang nasawi sa school shooting incident, kung saan ito ang Grade 10 student at ang CICL victim mismo, habang isa ang nadaplisan ng bala at isa naman ang nahimatay kung saan nadala ang mga ito sa ospital. 

“Dalawa ang namatay. Dalawa lang din na estudyante na nadala sa ospital. Stable na yong nadaplisan yong isa naman ay nahimatay lang,” pagbabahagi niya. 

PAANO AT KANINO NAKUHA NG CICL ANG BARIL? 

Batay umano sa imbestigasyon ng kapulisan, pagmamay-ari ng tatay ng CICL victim ang mga baril na nadala nito sa kanilang eskwelahan.

Diin niya, lulan daw ang CICL victim ng sasakyan nang pumasok sa kanilang campus dahilan para hindi na ito sumailam sa wastong pagsisiyasat ng mga security guard sa dalang gamit ng bata. 

“Ang initial investigation po natin, ‘yong mga baril ay nasa sasakyan po at dinala no’ng bata sa school. Hindi siya dumaan sa proper checking ng mga security guard at nakaakyat po siya ng 4th floor ng building na nakaiwas sa mga nagche-check na security guard ng AdZU,” ‘ika niya. 

Dagdag pa niya, “Sa ramp po wala pero meron po sa gate. May mga security officers po ang AdZU na nagche-check sa regular na dinadaanan po ng mga estudyante.” 

PANANAGUTAN NG TATAY NA MAY-ARI NG MGA BARIL

Ani Fortaleza, equal liability o kapantay na pananagutan umano ng tatay na may-ari ng mga baril na nagamit ng CICL victim at mananagot daw ito sa paglabag sa rules and regulation ng firearms law. 

“May equal liability ‘yong nagmamay-ari ng firearms at may rules and regulations po tayo hinggil sa firearms law… ‘Yong gun owner is responsible po sa safety at sa pag-handle, pag-secure, at pag-safe keeping ng mga baril,” paglilinaw niya. 

Kasalukuyan na umanong umakyat sa regional level ang imbestigasyon ng kanilang Special Investigation Task Group upang mapa-imbestigahan sa crime laboratory at anti-cybercrime unit ang cellphone ng CICL victime. 

Nagpapatuloy pa rin umano ang imbestigasyon ng mga awtoridad at paglikom ng impormasyon sa mga magulang na apektado at iba pang mga indibidwal. 

KAUGNAY NA BALITA: Erpats ng suspek sa pamamaril sa AdZU, sinuspinde sa puwesto!

KAUGNAY NA BALITA: 'Napakahirap tanggapin!' Sen. Risa, nabahala sa pag-livestream pa ng gunner sa Zamboanga