July 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!
Photo courtesy: RMN Tacloban/Contributed photo

Binulaga ng pamamaril ang isang pampublikong eskwelahan sa Tacloban City, Leyte nitong umaga ng Lunes, Hunyo 22, 2026.

Ayon sa mga ulat, bandang 9:00 ng umaga nang nakatanggap ng ulat ang Police Station 1 hinggil sa nagaganap umanong pamamaril sa naturang eskwelahan. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon at magbigay ng kaukulang aksyon.

Tatlong estudyante ang kumpirmadong nasawi habang limang katao pa ang napaulat na sugatan. Kasalukuyan nang nasa ospital ang mga biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang armadong lalaki ang nasa likod ng pamamaril. Isa sa mga suspek ang kinilalang 15 taong gulang at residente rin sa Tacloban City.

Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad habang patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang isa pang gunman.

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!

Nagsasagawa rin ng koordinasyon ang mga awtoridad sa pamunuan ng paaralan at mga lokal na opisyal upang matiyak ang seguridad ng mga estudyante at guro habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.