August 19, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang 'Robin Padilla Law' na pinuna ni SILG Remulla?

ALAMIN: Ano ang 'Robin Padilla Law' na pinuna ni SILG Remulla?
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pumutok sa mga balita ang naging pagpuna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa tinatawag na “Robin Padilla Law.” 

Ani Remulla, ang “Robin Padilla Law” umano ang naging sanhi ng pagtaas ng mga krimeng may kaugnayan sa loose firearms dahil naging bailable offense ito.

“I call upon Congress to review laws on loose firearms. We went through the numbers, 98% of gun crimes are committed with loose firearms,” ani Remulla nitong Miyerkules, Agosto 19, 2026. 

Dagdag pa niya, “The Robin Padilla Law which extinguished culpability and and made it an available offense has led to a surge of crime precisely because loose firearms is a bailable offense.” 

KAUGNAY NA BALITA: Pagtaas ng krimen sa loose firearms, sanhi ng Robin Padilla Law—SILG Remulla

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat tandaan matapos sumuong sa baha

Sa kabila nito, bakit nga ba pinuna ni Remulla ang “Robin Padilla Law”? 

Binigyang-tuon ito ni Remulla sanhi ng naganap na school shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City umaga noong Martes, Agosto 18, na nagdulot ng pagkasawi ng isang mag-aaral, at ng Child in Conflict with the Law (CICL) mismo na nagsagawa ng insidente. 

KAUGNAY NA BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!

Diin ni Remulla, pareho raw hindi “inalaagan” ang mga baril na nakuha ng mga CICL na nagdulot ng karahasan sa mga eskwelahan sa Tacloban City at Zamboanga City.

Ngunit sa kabila nito, tila reckless imprudence lang daw ang ipinapataw na parusa sa mga magulang o guardian ng mga CICL na gumagawa ng karahasan.

“Ang penalty ng paggamit ng legal guns, kung kinuha lang ng bata ang baril sa magulang o sa guardian, ang penalty ay reckless imprudence lamang. Walang penalty ang may hawak, may-ari ng baril,” ‘ika niya. 

Ang punto, tila magkaparehong loose of firearms umano ang sanhi kung bakit nagkaroon ng paraan ang mga bata ng pagkakataon na humawak ng delikadong mga baril. 

Dito papasok ang binatikos ni Remulla na “Robin Padilla Law” dahil tila nagkaroon lang umano pagkakataon na makapagpiyansa ang mga indibidwal na mapapatawan ng kasong loose of firearms dahil sa naturang batas. 

Ano ang “Robin Padilla Law”? 

Ang “Robin Padilla Law” ay naging impormal na bansag sa Republic Act No. 8294 na nag-amyenda sa Presidential Decree No. 1866, matapos ipaliwanag ng misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla sa publiko ang tungkol sa naturang batas. 

Muli kasing lumitaw sa social media ang video niya noong 2022 tungkol sa pagsasabi niyang nakapagtapos ng criminology si Robin at “nakapagpasa” na ng batas ang kaniyang mister kahit noong nasa bilangguan pa ito, kahit hindi pa senador.

“Si Robin, nakapagtapos ‘yan ng college. Meron siyang degree criminology. Si Robin, no’ng nasa bilibid siya, nakapagpasa na ng batas without even being Senator,” saad ni Mariel noong 2022. 

Paglilinaw naman niya nitong 2026, “When Robin was in Bilibid, his case became closely associated with the issue that RA 8294 addressed—illegal possession of firearms. RA 8294 was enacted in 1997 while he was incarcerated.” 

Samantala, sina dating Senador Franklin Drilon, yumaong dating Sen. Miriam Defensor Santiago, at dating Sen. Ramon Revilla Sr., naman ang mga awtor ng naturang batas na pinirmahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hunyo 6, 1997. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022

Batay naman sa ulat ng Manila Bulletin, pinupunto umano ni Remulla ang “Robin Padilla Law” sa Republic Act No. 11766 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nag-amyenda sa firearms law sa Pilipinas na Republic Act No. 10591. 

Ngunit hindi si Padilla ang may awtor ng alinmang nabanggit na mga batas. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Padilla, pinasalamatan si SILG Remulla sa ‘pagkumpirma’ ng Robin Padilla Law!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, ipinababalik din kautusang nagbawal sa Voltes V noon!