August 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022

'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022
Photo courtesy: Mariel Rodriguez (FB)/MB File Photo

Nagbigay ng paglilinaw si Mariel Rodriguez-Padilla matapos muling kumalat sa social media ang isang lumang video niya noong 2022 kung saan ipinagtanggol niya ang kaniyang asawang si Sen. Robin Padilla laban sa mga kumukuwestiyon noon sa kaniyang kwalipikasyon sa pagtakbo sa Senado.

Sa muling paglabas ng naturang video, muling napansin ng mga netizen ang naging pahayag ni Mariel na nakapagtapos ng criminology si Robin at "nakapagpasa" na ng batas ang kaniyang mister kahit noong nasa bilangguan pa ito, kahit hindi pa senador.

Sa 2022 video, sinabi ni Mariel:

“Si Robin nakapagtapos yan ng college. Meron siyang degree criminology. Si Robin, nung nasa bilibid siya, nakapagpasa na ng batas without even being Senator.”

Dahil muling kumalat ang video at binatikos silang dalawang mag-asawa, nagbigay ng paliwanag at konteksto si Mariel tungkol sa dahilan kung bakit niya ito ginawa.

Tsika at Intriga

James Deakin sa PAGASA: Mga kurakot ng ghost flood control, ipangalan sa bagyo!

Sa isang bagong video na ibinahagi mula sa Samal Island, sinabi niyang muling nag-resurface ang kaniyang video mula 2022 at ipinaliwanag na ginawa niya iyon noong panahon na tumatakbo sa pagkasenador si Robin.

Aniya, may mga taong nagsasabing hindi kwalipikado si Robin dahil hindi umano ito nakapagtapos ng pag-aaral.

"Common sense is most uncommon," banat ni Mariel.

"Siyempre, you have to be a legislator to actually make and pass a law. That vlog was made in 2022, when critics were questioning Robin’s qualifications. Ang sinasabi nila, 'Walang tinapos na pag-aaral. Marunong ba ’yan gumawa ng batas? Eh ’yan ang trabaho ng senador.;"

"So I corrected the point they were trying to make," aniya pa.

Ipinaliwanag din niya ang bahagi ng kanyang naunang pahayag tungkol sa paggawa ng batas.

Ayon kay Mariel, nang sabihin niyang gumagawa na ng batas si Robin habang nasa bilangguan pa, ang tinutukoy niya ay ang mga panahong nakikibahagi umano ang kaniyang mister sa paggawa o pagsusulong ng mga panukalang batas.

"When Robin was in Bilibid, his case became closely associated with the issue that RA 8294 addressed—illegal possession of firearms. RA 8294 was enacted in 1997 while he was incarcerated."

"Now, IF gamitin natin ang talino na binigay sa atin ng Maykapal… sino kaya ang nag-draft at nagpasa ng bill na naging RA 8294?"

"Obviously, legislators," aniya.

Gayunman, aminado si Mariel na literal umano itong kinuha ng ilan.

"That was exactly the point. Robin was NOT a senator then, and I never meant that he literally sat in Congress, authored the bill, and voted for its passage. His experience was being cited to show that even before becoming a senator, he had firsthand experience of how laws—and changes in laws—can directly affect a person’s life," aniya pa.

"Context matters. Comprehension matters too," buwelta pa niya.

Ibinahagi naman ng mister na si Sen. Robin ang naging paliwanag ni Mariel.

Nahalal si Robin Padilla bilang senador noong 2022 at nagsilbi bilang isa sa mga mambabatas ng bansa.