August 19, 2026

Home BALITA National

Pagtaas ng krimen sa loose firearms, sanhi ng Robin Padilla Law—SILG Remulla

Pagtaas ng krimen sa loose firearms, sanhi ng Robin Padilla Law—SILG Remulla
Photo courtesy: MB

Tumirada si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na “Robin Padilla Law” umano ang sanhi ng pagtaas ng mga krimeng may kaugnayan sa loose firearms dahil naging bailable ito. 

Sa naging pahayag ni Remulla sa ikinasa nilang press conference nitong Miyerkules, Agosto 19, 2026, umapela siya sa Kongreso na siyasatin daw muli ang batas dahil aabot umano sa 98% ng mga krimen ang nagmula sa loose firearms. 

“I call upon Congress to review laws on loose firearms. We went through the numbers, 98% of gun crimes are committed with loose firearms,” pagsisimula niya. 

Ani Remulla, naging sanhi daw ang Republic Act No. 8294 o kilala rin sa impormal na tawag na “Robin Padilla Law,” na nakapag-amyenda sa Presidential Decree No. 1866, sa mga krimeng may kaugnayan sa loose firearms dahil naging bailable offense raw ito. 

“The Robin Padilla Law which extinguished culpability and and made it an available offense has led to a surge of crime precisely because loose firearms is a bailable offense,” aniya. 

National

Higit 1.1M food packs, ipinamahagi sa 10 rehiyon matapos pananalasa ni 'Luis,' 'Maymay,' habagat

Diin ni Remulla, nananawagan daw siya sa Kongreso na gawin muling non-bailable offense ang parusa sa loose firearms upang mapigilan ang mga posible pang krimen na pag-uutanan nito.

“I call upon Congress to make laws that make it once again non-bailable, that make it once again preventable,” buwelta niya. 

Umapela rin siya sa Kongreso na tulungan silang labanan ang kriminalidad sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa sa mga dismissed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ginagamit umano ang kanilang mga baril at dating uniporme. 

“I call upon Congress to help us fight criminality. Penalizing, dismissed AFP and PNP personnel from owning not only firearms but also their uniforms,” saad niya. 

“Recent crimes have been committed by the use of dismissed AFP and PNP personnel using their previous uniforms identifying themselves as police. That should be a crime as well,” pagtatapos pa niya. 

Matapos ito ng naging kaso ng pamamaril ng isang junior high school student sa Ateneo de Zamboanga University umaga noong Martes, Agosto 18, 2026, na naging sanhi ng pagkamatay ng isang estudyante, at ng Child in Conflict with the Law (CICL) mismo.

KAUGNAY NA BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!

KAUGNAY NA BALITA: 'Napakapangit na ng nangyayari! Sen. Padilla, idiniing social media ugat ng pamamaril sa Zamboanga!