Tila ikinatuwa ni Sen. Robin Padilla ang pagkukumpirma umano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa pag-iral ng “Robin Padilla Law.”
Kaugnay ito sa naging tirada ni Remulla sa ikinasa nilang press conference nitong Miyerkules, Agosto 19, 2026, na ang Republic Act No. 8294 o kilala rin sa impormal na tawag na “Robin Padilla Law,” na nakapag-amyenda sa Presidential Decree No. 1866, umano ang sanhi ng pagtaas ng mga krimeng may kaugnayan sa loose firearms dahil naging bailable offense ito.
“The Robin Padilla Law which extinguished culpability and and made it an available offense has led to a surge of crime precisely because loose firearms is a bailable offense,” aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Pagtaas ng krimen sa loose firearms, sanhi ng Robin Padilla Law—SILG Remulla
Dahil dito, agad na naglabas ng pahayag si Padilla nito ring Miyerkules at pinasalamatan niya ang kaniya raw kaibigan na si Remulla.
Diin ni Padilla, kinumpirma umano ni Remulla sa publiko na umiiral ang “Robin Padilla Law” na nagpawalang saysay raw sa batas militar noon.
“Maraming salamat po sa aking itinuturing na kaibigan SILG jonvic remulla sa pagconfirm sa mga hindi nakakaalam na meron po talaga na Robin Padilla Law na nagpawalang saysay sa batas militar o martial law na kung tawagin ay [PD 1866],” anang senador.
Screenshot mula sa FB post ni Padilla.
Samantala, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si Remulla kaugnay sa nasaad na ito ni Padilla.
KAUGNAY NA BALITA: 'Reckless imprudence lang!' SILG Remulla, binatikos mababaw na parusa sa mga magulang na pabaya sa baril