Tabla sa unang puwesto sina Davao City Mayor Sebastian 'Baste' Duterte, dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo, at Sen. Robin Padilla sa pinakabagong Senate election preference survey na isinagawa ng Arkipelago Analytics kamakailan, kung saan, bawat isa sa tatlong kandidato ay nakakuha ng 48% voter preference.
Sa susunod na hanay naman ay sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Sen. Loren Legarda, na kapwa nagtala ng 45% voter preference at pumwesto sa ikaapat hanggang ikalimang ranggo.
Pasok din sina Sen. Raffy Tulfo at Sen. Alan Peter Cayetano, na parehong nakakuha ng 42% at pumwesto sa ikaanim hanggang ikapitong ranggo.
Bumuo sa top ten sina Davao City 1st District Rep. Paolo 'Pulong' Duterte, Sen. Francis 'Chiz' Escudero, at Sen. Mark Villar, na pawang nakapagtala ng 39% voter preference.
Nakompleto naman nina Kapuso Primetime King Jose Sixto Gonzales III “Dingdong” Dantes at dating Sen. Grace Poe ang kasalukuyang top 12, matapos silang parehong makakuha ng 35% voter preference.
Ipinakita rin ng survey na may ilang kandidatong ilang porsyento lang ang layo sa tinatawag na winning circle. Sina Sen. Jinggoy Estrada, broadcast journalist Ben 'Bitag' Tulfo, dating senador at kasalukuyang Makati City Mayor Nancy Binay, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at komedyante-'It's Showtime' TV host Jose Marie Borja Viceral, o mas kilala bilang Vice Ganda, ay pawang nakakuha ng 33%.
Sumunod naman ang singer- abogadong si Atty. Jimmy Bondoc, Department of Education (DepEd) Sec. Juan Edgardo “Sonny” Angara, at dating senador at 'Pambansang Kamao' Manny Pacquiao, ang nagtala ng tig-30% at nasa ikalabingwalo hanggang ikadalawampung ranggo.
Sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian at Sen. JV Ejercito ay parehong nakakuha ng 28%, habang sina dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, dating Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, at dating Sen. Bong Revilla ay pawang nagtala ng 27%.
Sumunod sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon at Executive Secretary Ralph Recto na may tig-24%, habang sina dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, dating Sen. Franklin Drilon, at isa pang dating kalihim ng DILG at dating Sen. Mar Roxas ay kapwa nakakuha ng 21%.
Sa mas mababang bahagi ng talaan, sina dating senador Gringo Honasan, Department of Labor and Employment (DOLE) Acting Sec. Francis Tolentino, at dating Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza ay pawang nakapagtala ng 19% voter preference.
Sumunod naman ang action star na si Philip Salvador, TV host na si Willie Revillame, at dating 1-Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita, na may tig-14%.
Sina Akbayan party-list Rep. Chel Diokno at Doc Marites Mata ay parehong nakakuha ng 8% voter preference, habang sina Atty. Vic Rodriguez at dating Sen. Antonio 'Sonny' Trillanes IV ay kapwa nagtala ng 7%.
Sumunod sina dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño at Ka Leody de Guzman, na may tig-5%.
Sina Pastor Apollo Quiboloy, dating ACT party-list Rep. France Castro, at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez naman ang kumumpleto sa listahan ng mga kandidatong isinama sa survey, matapos silang pawang makakuha ng 4% voter preference.
Isinagawa ang survey mula Mayo 26 hanggang Hunyo 2, 2026, sa pamamagitan ng harapang panayam sa isang nationally representative sample na binubuo ng 2,637 katao edad 18 pataas.
Gumamit ang sampling design ng regional stratification sa lahat ng 18 rehiyon at karagdagang klasipikasyon batay sa urban at rural clusters.
Ang national estimates ay may ±2% margin of error sa 96% confidence level, habang ang subnational estimates para sa bawat geographic area ay may ±5% margin of error sa 95% confidence level.