June 18, 2026

Home BALITA Politics

Mayor Vico, nagsilbing gabay si Sen. Win bilang alkalde

Mayor Vico, nagsilbing gabay si Sen. Win bilang alkalde
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB, Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na isa umano si Sen. Win Gatchalian sa mga pinagkukunan ng impluwensiya niya sa politika.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano kamakailan, nausisa si Mayor Vico kung saan nagmula ang pagiging consultative niya bilang pinuno. 

“Sinusubukan kong matuto mula sa mga nauna sa akin. Halimbawa, si now Sen. Win Gatchalian, naging mayor siya 29 years old. I became mayor at 29 years old,” lahad ni Mayor Vico.

Dagdag pa niya, “Pinalitan niya, matagal sa puwesto na mayor. Gano’n din ako. [...] No’ng pumasok siya sa city hall, lahat appointee ng kalaban niya. No’ng pumasok ako sa city hall, gano’n din.”

Kaya naman hiningan niya raw ng payo si Sen. Win kung paano pakikitunguhan ang mga taong loyal sa katunggali nito.

Politics

Sen. Go sa umano’y ICC warrant: ‘Ipinagpapasa-Diyos ko na lamang po ang lahat’

Ani Mayor Vico, “He’s very generous and shared advice. I could name others, pero ang point is kailangan matuto tayo sa nauna sa atin.”

Bukod dito, binanggit din ni Mayor Vico ang namayapang kabiyak ni Naga City Mayor Leni Robredo na si Jesse Robredo sa mga pinagkukunan niya ng inspirasyon sa larangan ng pamumuno.

Sabi ni Mayor Vico, “Looking at examples like, you know, Mayor Jesse Robredo before. Kung papaano siya makipag-relate sa mga tao. I’ve never met him personally, but I’ve talked to a lot of people who knew him personally.”

Si Jesse ay dati ring alkalde ng Naga at bago tuluyang pumanaw noong 2012, nagsilbing kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nakilala si Jesse sa kaniyang tsinelas leadership dahil sa mapagkumbabang katangian niya bilang lider. Kampeon siya ng pamumunong nagtataguyod ng transparency, participatory governance, at anti-corruption.