August 28, 2026

Home BALITA Metro

Total leptospirosis cases sa Maynila, 455 na!

Total leptospirosis cases sa Maynila, 455 na!
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) nitong Biyernes, Agosto 28, na pumalo na sa 455 ang kabuuang kaso ng leptospirosis sa Maynila.

Kasunod ito ng karagdagang 54 leptospirosis case na naitala ngayong araw sa lungsod, base sa inilabas nilang daily reporting ng W.I.L.D Diseases.

Ayon sa Manila PIO, ang naitalang 455 leptospirosis cases ay tala mula noong Enero 1, 2026, hanggang Agosto 28, 2026.

Liban pa rito, nadagdagan din ng 22 Influenza-Like Illness (ILI) cases ang Maynila, na sa ngayon ay may kabuuang talang 1,105 na sa parehong panahon; 27 naman ang bagong kaso ng Dengue ngayong araw, na mayroon nang 2,474 total cases.

Samantala, wala namang napaulat na bagong kaso ng Cholera, Typhoid Fever, Covid-19, at Severe Acute Respiratory Infection (SARI).

Metro

Seguridad sa La Salle Greenhills, mas pinaigting kasunod ng natanggap na banta



Sa hiwalay na impormasyong galing sa Deparment of Health (DOH), inilatag din ng Manila PIO nitong Biyernes ang mga sintomas ng leptospirosis, kasunod ang pagtaas ng kaso nito sa nasabing lungsod.

Base sa kanilang anunsyo, ilan lamang sa mga sintomas nito ay ang lagnat, panginginig, sakit ng ulo, sakit ng binti, pamumula ng mata, at paninilaw ng balat.

Paalala pa nila, maaaring makapinsala sa bato, utak, at atay ang leptospirosis kung hindi agad maaagapan.

Inirerekomendang balita