June 07, 2026

Home SHOWBIZ

MGI All Stars winner Vanessa Pulgarin, bibisita sa Pinas

MGI All Stars winner Vanessa Pulgarin, bibisita sa Pinas
Photo courtesy: MGI All Stars/FB


Nakatakdang bisitahin ni Miss Grand International (MGI) All Stars 1st Edition winner Vanessa Pulgarin ang Pilipinas sa darating na Martes, Hunyo 9 hanggang Huwebes, Hunyo 11.

Ito ang kauna-unahang overseas trip ng Colombian titleholder matapos niyang masungkit ang korona sa kauna-unahang edisyon ng MGI All Stars na ginanap sa bansang Thailand noong Sabado, Mayo 30.

Sa naturang kompetisyon, tinanghal ding first runner-up ang pambato ng Ghana na si Faith Maria Porter; habang second runner-up naman si Nguyen Huong Giang ng Vietnam.

Bigo mang masungkit ang korona, nagpamalas naman ng husay ang mga pambato ng Pilipinas sa ginanap na kompetisyon.

Matatandaang nakapasok sa Top 5 si dating Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, at Top 18 naman ang naabot ni Fuschia Anne Ravena.

Relasyon at Hiwalayan

Da hu? Heart Evangelista, ginawang sugar mommy ng isa sa mga ex niya

Hindi naman nakakuha ng puwesto sa nasabing kompetisyon sina Alexia Nuñez, Imelda Schweighart, at Keylyn Trajano.

Noon namang Miyerkules, Hunyo 3, inanusyo ng MGI na bukas na noong Sabado, Hunyo 6, ang aplikasyon para sa ikalawang edisyon ng naturang pageant competition.