Tila hindi nakaramdam nang kahit katiting na panghihinayang ang aktres na si Kaye Abad nang umalis siya sa showbiz industry higit isang dekada na ang nakalilipas.
Napag-usapan kasi sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Agosto 15, na 18-anyos pa lang daw si Kaye ay nakikita na niya ang sarili bilang homemaker.
“Sabi ko, parang nakikita ko na hindi na siguro ako mag-aartista. ‘Yon ‘yong lagi kong sinasabi. [...] I really wanted to be a housewife,” saad ni Kaye.
Lalo raw tumindi ang pagnanasang ito nang mapangasawa na niya ang "Pinoy Big Brother: Double Up" runner-up winner at negosyanteng si Paul Jake Castillo at dinala siya nito sa Cebu. Nakita raw niya kasi rito ang buhay na gusto niya.
Anang aktres, “I like it [Cebu] because if you want a city life, there’s a city life. If you want beach and relaxing life, malapit lang din.”
Nag-ugat daw ang ganitong pangarap ni Kaye dahil sa kaniyang ina, na habang lumalaki raw siya ay nakikita niyang nagsisilbi sa kanila sa pamamagitan ng pagluluto at iba pa.
Usisa tuloy ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino, “In terms of personal, alam mo kasi 'yon na talaga 'yong pinagarap mo dati, but the career, and the energy you put into the craft, hindi ka ba nanghinayang?"
“Hindi ako nanghinayang,” sagot ni Kaye. “Katulad ng sinabi ko kanina, nasa peak ako ng career ko when I left. I did ‘Two Wives’ na nag-hit. That’s why they said balik lang. They even offered me another show.”
Dagdag pa niya, “First time kong nag-lead that time for teleserye. Sabi nga kinausap nila ako na, ‘Huwag. Sayang, Kaye. Ito na ‘yon. Nandito ka na. Ikaw na ‘to. Bida ka na.’ Sabi ko, hindi talaga.”
Ayon kay Kaye, mas nangingibabaw daw sa kaniya ang kagustuhang bumuo ng pamilya, lalo pa’t tumagal na rin naman siya sa industriya.
Tatlong taong namahinga si Kaye sa showbiz matapos ang teleserye nilang “Two Wives” noong 2015. Bumalik siya noong 2019 para mag-guest appearance sa daytime drama series ng ABS-CBN na “Nang Ngumiti ang Langit.”
Samantala, isinapubliko naman niya noong Mayo sa pamamagitan ng birthday vlog ang breast cancer journey niya.
Anang aktres, nagsimula ang lahat nang makaranas siya ng matinding pananakit ng tiyan na una niyang inakalang simpleng acidity lamang.
Pero tumagal umano ito nang halos anim na oras kaya nagdesisyon siyang magpatingin sa doktor.
Maki-Balita: Survivor na! Kaye Abad nanggulat, ibinahagi ang breast cancer journey niya