May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Survivor na! Kaye Abad nanggulat, ibinahagi ang breast cancer journey niya

Survivor na! Kaye Abad nanggulat, ibinahagi ang breast cancer journey niya
Photo courtesy: Screenshot from Kaye Abad (YT)

Ikinagulat ng fans, followers, at netizens ang pagbabahagi ng aktres na si Kaye Abad na matagumpay niyang nalampasan ang kaniyang naging laban kontra breast cancer.

Hindi kasi nagbigay ng anumang hint si Kaye tungkol sa seryosong health challenges na kaniyang pinagdaanan noon pang 2025.

Noong Pebrero 2026, ibinahagi ni Kaye na dinapuan siya ng viral infection na "Herpangina." Pero never niyang nabanggit ang tungkol sa kaniyang breast cancer.

Sa kaniyang birthday vlog na inilabas nitong Linggo, Mayo 17, ikinuwento ni Kaye ang halos isang taong pagdodokumento ng kaniyang breast cancer journey, kabilang ang pagpapagamot niya kasama ang mister na si "Pinoy Big Brother" alumnus Paul Jake Castillo sa Singapore.

Ayon kay Kaye, nagsimula ang lahat nang makaranas siya ng matinding pananakit ng tiyan na una niyang inakalang simpleng acidity lamang. Gayunman, tumagal umano ito nang halos anim na oras kaya nagdesisyon siyang magpatingin sa doktor.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Sa isinagawang check-up, nadiskubreng mayroon siyang mga bato sa gall bladder dahilan upang sumailalim siya sa operasyon para maalis ito. Kasunod nito, iminungkahi rin umano ng doktor na sumailalim siya sa mammogram dahil na rin sa kaniyang edad.

Doon na natuklasan na may malignant o cancerous tumor na tumutubo sa kaniyang dibdib na umaabot na umano sa apat na sentimetro ang laki.

Ibinahagi rin ni Kaye na pansamantala muna nilang ipinagkatiwala sa kanilang mga kaanak ang dalawa nilang anak habang nakatuon siya sa gamutan at pagpapagaling.

Aminado rin ang aktres na may kasaysayan ng breast cancer sa kanilang pamilya kaya hindi na rin lubusang nakakagulat ang naging diagnosis sa kaniya.

Sa kabila ng matinding pagsubok, sinabi ni Kaye na malaking tulong ang kaniyang matibay na pananampalataya sa Diyos at walang sawang suporta ng kaniyang asawa at pamilya upang malampasan ang sakit.

Dahil dito, masaya niyang inanunsyo na maituturing na niyang cancer-free ang kaniyang sarili.

Umani naman ng suporta, panalangin at pagbati mula sa mga netizens at kapwa celebrities ang naging rebelasyon ng aktres tungkol sa kaniyang matagumpay na laban kontra cancer.

Mapapanood ang kabuuang journey ni Kaye sa kaniyang YouTube channel.