June 07, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: Biringan posibleng totoo dahil sa isang dokumento; ipinaliwanag ng history prof!

#BalitaExclusives: Biringan posibleng totoo dahil sa isang dokumento; ipinaliwanag ng history prof!
Photo courtesy: Jhonil Bajado (FB)/ AI-generated

Sa loob ng mahabang panahon, nanatiling bahagi ng alamat at kuwentong-bayan ang Biringan—ang sinasabing misteryosong lungsod ng mga engkanto na umano'y nakatago sa isang bahagi ng Samar.

Para sa marami, isa lamang itong kuwentong kathang-isip na ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, at sa kasalukuyang modernong panahon, hindi pa rin napatutunayan kung talaga bang totoo ang eksistensya nito.

Subalit muling naging sentro ng diskusyon ang naturang myth matapos mag-viral ang isang Facebook post ng history professor na si Prof. Jhonil Bajado ng Samar State University noong Sabado, Hunyo 6.

Sa kaniyang post, ibinahagi niya ang isang lumang dokumento mula sa panahon ng kolonyang Espanyol na nagbabanggit sa isang lugar na tinatawag na "Sitio de Beringan," na maaaring may kaugnayan sa pinagmulan ng alamat ng Biringan.

Ayon kay Bajado, ang dokumento ay tumutukoy sa isang aktuwal na pook na dating nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Pagsanghan at Tarangnan sa Samar. Matagal nang inilalarawan sa mga alamat ang Biringan bilang isang di-nakikitang lungsod na matatagpuan umano sa pagitan ng mga bayan ng Gandara, Tarangnan, at Pagsanghan, at pinaniniwalaang tinitirhan ng mga engkanto.

Human-Interest

'Biringan Found!' Mahiwagang lugar ng mga engkanto, nabanggit sa isang lumang dokumento

Sa pagsusuri ng history professor, posibleng nakaugat sa tunay na kasaysayan ang alamat na ito. Nakasaad sa dokumentong kanyang inilabas ang isang kasulatan ng bentahan ng lupa kung saan malinaw na binanggit ang "Sitio de Beringan" bilang lokasyon ng lupang ipinagbili.

Bukod dito, nakatala rin sa dokumento ang lawak ng lupain na umaabot sa tatlong ektarya, ang halagang 40 piso bilang kabayaran, at maging ang mga pangalan ng mga katabing may-ari ng lupa at ng Simbahang Katolika. Para kay Bajado, ang mga detalyeng ito ay nagpapahiwatig na ang Beringan ay isang kinikilalang lugar noon at bahagi ng mga opisyal na rekord ng pamahalaang kolonyal.

Ipinunto rin niyang maaaring ang pagkawala ng Biringan sa kasalukuyang mga mapa ay hindi dahil sa anumang kababalaghan kundi bunga ng pagbabago ng mga hangganang administratibo, paglaho ng ilang pamayanan, at pag-usbong ng mga alamat habang lumilipas ang panahon.

Dagdag pa niya, karaniwan sa wikang Waray ang pagpapalitan ng tunog ng mga titik na "e" at "i," kaya posibleng ang Beringan na nakasaad sa dokumento ang siya ring Biringan na naging tanyag sa mga kuwentong-bayan ng Samar.

Naglatag din si Bajado ng ilang posibleng paliwanag kung paano naging alamat ang dating lugar. Kabilang dito ang pagiging hiwalay o liblib ng komunidad, ang pag-abandona rito dahil sa mga kalamidad o pagbabagong pang-ekonomiya, at ang paniniwala ng mga sinaunang mamamayan na ang mga napabayaang lugar ay tinitirhan ng mga engkanto o espiritu ng kalikasan, kaya maaari o posibleng inalisan na lang.

"In Visayan animism, when communities encountered abandoned spaces or areas reclaimed by nature, they attributed ownership to the engkantos or nature spirits. The real Sitio de Beringan, once depopulated or obscured by shifting municipal boundaries, likely became a place of caution. Over time, oral traditions expanded the small, lost sitio into a grand, futuristic city, reflecting a cultural defense mechanism against the rapid urbanization and colonial/post-colonial intrusions happening elsewhere in the country," mababasa pa sa post.

Gayunpaman, nilinaw ng history professor na hindi pa rin nito pinatutunayan ang pag-iral ng isang supernatural na lungsod ng mga engkanto. Sa halip, ipinakikita lamang ng dokumento na may tunay na lugar na tinatawag na Beringan sa Samar na maaaring nagsilbing ugat ng alamat na kalaunan ay naging bahagi ng kultura at imahinasyon ng mga Samareño.

"The geopolitical designations within the document perfectly align with the historical evolution of Western Samar. The document places the sitio of Beringan inside the 'Barrio de Pagsanhan,' which it notes was part of 'Tarangnan,'" aniya.

"By stripping away the layers of supernatural lore, researchers can restore Biringan to its rightful place in Philippine history—not only as a mythical kingdom of the unseen, but as a real, historical community of flesh-and-blood Samareños who lived, farmed, and built their lives upon the soil of Pagsanghan," dagdag pa.

Maki-Balita: 'Biringan Found!' Mahiwagang lugar ng mga engkanto, nabanggit sa isang lumang dokumento

EKSKLUSIBONG PANAYAM KAY PROF. JHONIL BAJADO

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Prof. Bajado, napag-alamang siya ay kasalukuyang History Professor at Faculty Regent ng Samar State University (SSU), sa Catbalogan City. Siya rin ang head ng SSU Museum & Archives.

Nang tanungin kung sa aling teksto galing ang nabanggit na dokumentong nagbanggit sa Sitio De Beringan, ito raw ay mula sa "Notarial Records of the Municipality of Gandara" mula 1921-1925.

"Note: Pagsanghan became under the territorial jurisdiction of Gandara town," paglilinaw ng propesor.

Bilang isang historyador, ipinaliwanag ni Prof. Bajado kung bakit mahalaga para sa kaniya ang nabanggit na tuklas.

"For a historian like me, investigating Biringan is an exercise in empathy. It requires us to listen to the whispers of the past with the same seriousness that we accord to written archives.," aniya.

"By historically claiming the facts of this oral lore, we do not kill the myth; we honor it. We define its boundaries so that it may be understood not as a geographical falsehood, but as a profound, enduring psychological truth of a resilient people," dagdag pa niya.

Natanong din ang propesor kung sa personal na pananaw ay kung naniniwala ba siyang may "Biringan" talaga.

"Yes, and yes," sagot ni Bajado.

"I believe it exists because history leaves breadcrumbs in the soil, and this old document whispers of a time when Biringan was not a phantom, but a tangible sitio where real people walked, cleared the land, and carved out a life."

Dagdag pa niya, "And I believe it exists today because a 'city' does not need brick and mortar to cast a shadow. It thrives, brilliant and unyielding—in the fertile geography of the collective mind—woven into the imagination, the stubborn beliefs, the midnight dreams, the quiet frustrations, and the unextinguished hopes of Samarnon people who refuse to let their mysteries be mapped away. "

Kasabay nito, hinikayat ni Bajado ang mga historyador, cartographer, at lokal na pamahalaan na magsagawa pa ng mas malawak na pananaliksik sa mga sinaunang mapa, rekord ng lupa, at iba pang dokumento upang higit na maunawaan ang kasaysayan ng mga nawawalang pamayanan sa Samar.