“Hindi magandang biro ‘yan!”
Bentang-benta sa netizens ang pangalang “Sharmaine” ngayon dahil sa viral skit ng isang content creator tungkol sa prutas na nagrereklamo sa sarili niyang pangalan.
Mapapanood sa nasabing skit ng content creator na si “BAET” na isang orange ang nagrereklamo sa kasama niyang mangga dahil mukhang hindi raw napag-isipan ang kaniyang pangalan kumpara sa iba pang prutas.
“Naiinis naman ako teh kasi parang hindi ako pinag-isipan. Diba ikaw ang pangalan mo ay ‘Mango.’ pero dilaw ka naman. Oh diba parang obvious naman sa akin ‘Orange.’ Wala na bang iba?” rant ng prutas na orange.
Kaya nang tinanong siya ng kasamang mangga sa skit kung anong pangalan ang gusto niya, agad na sinabi ng orange na “Sharmaine” ang nais niyang itawag na lamang sa kaniya.
Dahil dito, ang skit na unang na-post noong Abril ay umani na ng higit 500k reactions sa social media.
Kasunod nito, sinakyan ni BAET ang nag-viral na stall na may karatulang “Sharmaine” sa mga prutas na orange nitong Biyernes, Mayo 29, at sinabing hindi pa raw napapanotaryo ang bagong pangalan at hindi pa ito opisyal.
“Ano ‘to? Hindi pa napapanotaryo bakit binebenta n’yo agad? Nilalakad pa ang papers ni Sharmaine. Wag ninyong pangunahan yung prutas, di magandang biro ‘yan. Hindi pa ‘yan. “Orange” pa ‘yan,” saad ni BAET.
Nitong Sabado, Mayo 30, naglabas si BAET ng update kay “Sharmaine,” na bukod sa nagrereklamo dahil hindi pa napapanotaryo ang bagong pangalan, bigla pa siyang naunahan ng isang langaw para sa pangalan namang “Vanessa.”
“Mare, kumusta? Puwede na ba kita tawaging ‘Sharmaine?’ Napanotaryo mo na ba ‘yan?” tanong ng manga sa kasama niyang orange.
“Eto na nga nangyari, Mare. Diba galing ako sa PSA (Philippine Statistics Authority), pumila ako. Malaman-laman ko, kailangan pala ng abugado. Akala ko pa naman kapag pumila doon, mapapalitan na agad,” reklamo ng orange.
“Tapos eto pa, nakita ko do’n si ‘Vanessa’ may kasamang abugado. Nauna pa siya sa akin magpanotaryo. Hindi naman magandang biro ‘yan. Buti pa ‘yung mga tao binebenta na kong ‘Sharmaine’ yung sarili ko di ko pa mabentang ‘Sharmaine’ kasi wala pa eh, di pa ko napapanotaryo,” saad ng orange.
Sa kaugnay na ulat, ang nasabing ‘Vanessa’ ay isa pang skit ni BAET tungkol sa langaw na ginusto ring palitan ang pangalan niya.
“Gusto ko lang din ng sariling pangalan. Ang tunay kong pangalan ay ‘Fly’ diba napaka-obvious. Ang gusto ko sanang pangalan ay ‘Vanessa’ mas magandang pakinggan. Ewan ko ba sa mga ‘yan, di ako pinag-iisipan,” saad ni “Vanessa.”
Sa kabilang banda, ibinahagi ng netizens ang pakikisimpatya nila kay “Sharmaine” at sa kagustuhan niyang magpalit na ng pangalan.
“Tapos need daw magbayad ng 1k per letter pag magpapachange name”
“dibaaa, pati si Sharmaine nahihirapan na sa gobyerno natin”
“Juskooo bat nauna pa si Vanessa ayoko ng ganyan!!”
“NEXT EPISODE NA PLEASE! HAHAHAHAHA”
“Sharmaine, pa update ulit ah, ang interesting ng buhay mo ehh”
“Petition to make this a series ”