Magkakasa ng imbestigasyon ang Universidad de Manila sa faculty member nilang nangutya kay TV at social media personality Awra Briguela.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Mayo 27, sinabi umano ni UdM President Felma Carlos-Tria na nasa pamamahala na nila ang nasabing isyu katuwang ang Gender and Development (GAD) Office.
“As an academic institution, the University does not condone behavior or expressions that may be perceived as discriminatory, demeaning, or harmful to any individual,” saad ni Tria.
Dagdag pa niya, habang gumugulang ang imbestigasyon, mananatili umano ang pamantasan sa obligasyon nitong magpatupad ng ligtas, magalang, at inklusibong kapaligiran, anoman ang gender identity, gender expression, o sexual orientation.
Samantala, nakapagsumite na ang propesor ng kaniyang panig bilang tugon sa abiso para magpaliwanag.
Matatandaang nauna nang sinita ni Awra ang propesor dahil sa naging komento umano nitong “babaeng may burat” sa isang pampublikong post tungkol sa kaniya.
Dahil dito, sinabi ni Awra na pinag-iisipan na niya ang pormal na pag-uulat ng insidente sa administrasyon ng pamantasan at ang pangangalap ng mga salaysay mula sa iba pang indibidwal na posibleng nakaranas din umano ng hindi wastong pagtrato mula sa propesor.
Maki-Balita: Awra Briguela, sinita propesor na tinawag siyang 'babaeng may b*rat!'