Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si Sen. Jinggoy Estrada na magpa-X-ray ng kaniyang mga tuhod sa isang pribadong ospital sa darating na Agosto 26.
Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan nitong Lunes, Agosto 24, pinayagan ng korte ang senador na pansamantalang lumabas ng New Quezon City jail bandang 11:00 ng umaga sa nabanggit na petsa, para magpa-X-ray sa Cardinal Santos Medical Center bandang 1:00 ng hapon.
Batay pa rito, inaasahang makakabalik agad si Estrada sa ganap na 3:00 ng hapon pagkatapos ng kaniyang medical procedure. Kinakailangan daw na samahan siya ng "appropriate security escorts."
Sasagutin naman ni Estrada ang lahat ng hospital bills, medical fees, transportasyon, at incidental expenses.
Matatandaang kinumpirma ng legal counsel ni Estrada sa Sandiganbayan 2nd Division na may osteoarthritis sa magkabilang tuhod ang senador.
Nahaharap si Estrada sa kasong plunder at graft kaugnay ng maanomalyang flood control projects.