August 24, 2026

Home BALITA

6-anyos na estudyante, patay matapos sampalin ng guro dahil sa assignment!

6-anyos na estudyante, patay matapos sampalin ng guro dahil sa assignment!
UNSPLASH

Hustisya ang panawagan ng mga magulang ng anim na taong gulang na batang lalaking nasawi matapos sampalin ng kaniyang guro sa gitna ng klase noong Biyernes, Agosto 21, 2026.

Ayon sa mga ulat, ikinagalit daw ng guro ng biktima ang kulang-kulang na ipinakitang assignment ng bata noong araw na pumasok siya. Bunsod nito, pinalapit ng guro ang bata, hinila ang kwelyo ng kaniyang uniporme at saka sinampal.

Habang nakatayo ang bata sa harap ng guro, ilang sandali pa ay nawalan siya ng malay at tumuba sa balikat ng maestra.

Bunsod nito, kaagad na isinugod sa ospital ang biktima subalit kalaunan ay pumanaw rin siya. Hindi rin umano basta nakuha ng mga magulang ang katawan ng biktima dahil sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Sa panayam ng media sa ama ng biktima, malusog at masigla raw ang kaniyang anak nang pumasok sa naturang eskwelahan sa India, bago naganap ang insidente. Aniya, wala raw iniindang kahit ano ang kaniyang anak at kumbinsidong ang sampal ng guro ang kaniyang ikinamatay.

National

Sen. Jinggoy Estrada, pinayagang magpa-X-ray ng tuhod

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang hindi pa lumalabas ang eksaktong dahilan ng pagpanaw ng biktima.

Ayon sa pag-aaral, patuloy ang pagtaas ng kaso ng kabataang pisikal na naabuso sa loob ng eskwelahan sa India. Partikular sa kanila ang nasa “low income families” na isa sa mga tinitingnang anggulo sa kaniyang dinaranas sa eskwelahan.