May 22, 2026

Home BALITA National

'Handa ba kayo sa rebolusyon?' VM Respicio, willing ibuwis ang buhay para kay VP Sara!

'Handa ba kayo sa rebolusyon?' VM Respicio, willing ibuwis ang buhay para kay VP Sara!
Photo courtesy: Screenshot from SMNI (FB)/MB File Photo

Handa raw magbuwis ng kaniyang buhay si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio para kay Vice President Sara Duterte, matapos ang kaniyang talumpati sa naganap na "Inday Sara Duterte 2028 Movement” rally noong Sabado, Mayo 9, sa Rizal Park sa San Pedro Street, Davao City.

"Willing ba kayong ibuwis ang inyong buhay para kay VP Sara Duterte?" tanong ni Respicio sa mga dumalo sa nabanggit na event.

"Dahil ako, willing akong ibuwis ang aking buhay. Gusto ko ngang marinig ang sagot sa inyo. Handa ba kayo sa isang rebolusyon? Handa ba kayong ibuwis ang inyong buhay para kay VP Sara Duterte?" buong enerhiyang sigaw-tanong ng abogado.

Binanatan din ni Respicio ang mga solon na umano'y "nagkakabayaran na" sa pagsusulong ng impeachment case laban sa Bise Presidente, na may kinalaman sa ilang isyu patungkol sa kaniya.

Matatandaang naging kontrobersiyal kamakailan si Respicio kaugnay ng isinampang reklamo ng Commission on Elections (Comelec) laban sa kaniyang akusasyong maaaring ma-hack ang automated counting machines (ACMs) na ginamit sa halalan kapag nakakonekta ito sa internet.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato