August 17, 2026

Home BALITA Metro

LTO personnel, sangkot sa hit-and-run sa Antipolo; nakabangga ng pedestrian!

LTO personnel, sangkot sa hit-and-run sa Antipolo; nakabangga ng pedestrian!
Photo courtesy: LTO (FB screenshot)

Nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kasong legal at administratibo ang isang personnel ng Land Transportation Office-Quezon City District Office (QCDO) matapos siyang masangkot sa isang hit-and-run incident sa Antipolo City noong Biyernes, Agosto 14. 

Batay sa pahayag ng LTO noong Linggo, Agosto 16, nakainom ng alak at lasing ang personnel nang masangkot sa naturang insidente. 

Ayon sa LTO, bago pa iharurot sa sasakyan, nakabangga pa ito ng mga pedestrian na tumatawid sa kalsada. 

Kaya ipinag-utos ni LTO Chief, Asec. Markus V. Lacanilao ang agarang pagbawi ng driver’s license ng personnel at habambuhay na diskwalipikasyon sa pagkuha ng anumang uri ng driver’s license, alinsunod sa lalabas na resulta ng kaukulang proseso. 

Saad ni Lacanilao, hindi bibigyan ng “special treatment” ang personnel at tiyak na pananagutin ito sa batas.

Metro

Fire volunteer na sumaklolo sa sunog, nasunugan din ng bahay!

“Hindi siya bibigyan ng espesyal na trato. Kung kinakailangan siyang managot sa batas at mawalan ng trabaho, ipatutupad natin ito. Walang palakasan at walang pagtatakip sa LTO,” pagtitiyak ni Lacanilao.