Isang motorcycle taxi rider ang nasawi habang nakapila para sa pagkuha ng ₱5,000 ayuda o fuel subsidy sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado, Abril 18, ayon kay Irene Dumlao, Spokesperson at Assistant Secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kinumpirma ng DSWD ang insidente at sinabing nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng rider at magbibigay ng nararapat na tulong, ayon na rin daw sa utos ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.
Batay sa mga kaanak ng biktima, hinihinalang inatake sa puso ang nabanggit na rider, na sinabayan pa ng mainit na panahon.
Madaling-araw pa lamang, mahaba na ang pila para sa nabanggit na pamamahagi ng tulong-pinansyal, kaugnay pa rin sa pagsipa ng presyo ng petrolyo dahil sa sigalot sa Middle East.