Magbibigay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng towing service sa mga sasakyang lumusong at naipit sa baha kasunod ng malakas na ulan dulot ng Habagat.
Sa abiso ng MMDA nitong Martes, Agosto 18, binanggit nilang maaaring dalhin ang sasakyang ire-request na ipa-tow sa mismong bahay ng may-ari o pagawaan.
Dagdag pa nila, limitado lamang ang lugar sa Metro Manila na maaaring pagdalhan ng sasakyan.
Para sa mga nais humiling ng assistance, sinabi ng MMDA na makipag-ugnayan sa kanilang social media accounts.