May 13, 2026

Home BALITA Metro

MPD, nagluwag sa pag-aresto ng mga 'naka-topless' sa kalye

MPD, nagluwag sa pag-aresto ng mga 'naka-topless' sa kalye
Photo courtesy: via MB

Pansamantalang itinigil ng Manila Police District (MPD) ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa mga taong walang suot na damit pang-itaas sa pampublikong lugar, kasunod ng mga puna ng publiko na ito umano ay “anti-poor.”

Kinumpirma ng Manila Public Information Office (MPIO) sa isang news outlet noong Sabado, Abril 11, 2026, ang naturang suspensyon.

Sa isang direktiba na naging epektibo noong Abril 11, inatasan ang lahat ng operating units at mga tauhan na kasangkot sa Oplan Galugad at iba pang anti-kriminalidad na operasyon na umiwas muna sa pagpapataw ng parusa.

Sa halip na magbigay ng multa o iba pang kaparusahan, inutusan ang mga awtoridad na magbigay na lamang ng babala at magsagawa ng information drive hinggil sa tamang asal at pagsunod sa pamantayan ng komunidad.

Ayon sa MPD, layunin ng hakbang na ito na isulong ang “makatao at mahabaging pagpapatupad ng batas” habang pinananatili ang kaayusan sa publiko.

Metro

Family driver, ninakawan amo ng ₱640k halaga ng alahas; bisto matapos ibenta online

Gayunman, nilinaw ng MPD na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod laban sa mga lumalabag sa curfew, umiinom ng alak sa gilid ng kalsada, at iba pang kaugnay na paglabag.

Matatandaang noong Lunes, Abril 6, nang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pagbabawal na tututukan umano ng kapulisan sa Metro Manila at iba’t ibang panig pa ng bansa.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga ikinasang pagbabawal ng DILG sa mga lansangan at lokalidad

Diretsahan ding pinuna at ipinagbawal ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang mga lalaking naka-topless sa kalye o hindi naman kaya ay naka-topless habang mga nakatambay lamang.

KAUGNAY NA BALITA: 'Magbihis naman kayo!' DILG, huhulihin na mga lalaking hubad sa kalye