Sabi sa kantang Pinoy, magtanim ay ‘di biro….
Pero maliban sa pagbabahagi ng oxygen at pagkain sa mga nabubuhay na organismo, hindi rin biro ang dalang benepisyo ng mga halaman para labanan ang banta ng kahirapan!
Batay sa pag-aaral ng ADB, ilan lamang sa mga napipisil na dahilan ng kahirapan sa bansa ay ang mababang ekonomiya, implasyon, pagtaas ng populasyon, at mga natural na kalamidad.
Ngunit base sa ilang mga artikulo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga halaman upang ibsan ang kahirapan.
Ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations, ang pananatili sa malusog na halaman ay may kakayahang puksain ang kagutuman, bawasan ang kahirapan, at protektahan ang kapaligirian.
Anang source, kaya rin daw nitong payabungin ang ekonomiya ng bansa.
“The annual value of trade in agricultural products has grown almost three-fold over the past decade, largely in emerging economies and developing countries, reaching USD 1.7 trillion,” mababasa sa artikulo.
“FAO estimates that agricultural production must rise by about 60 percent by 2050 to feed a larger and generally richer population,” siwalat pa nito.
Base naman sa isang artikulo ng Science Direct, ang sistema ng paghahalaman ay may epekto rin sa pagsugpo ng kahirapan.
“This article has provided an overview of the conceptual, empirical and policy contexts for forests, trees and poverty. Through this SI we emphasise the potential that forests and tree-based systems can play in alleviating multi-dimensional poverty. We recognise that forests and tree-based systems have a wide range of benefits beyond their potential role in poverty alleviation, including biodiversity conservation and reducing greenhouse gas emissions,” anang artikulo.
Hindi man ito ang karaniwan at nakasanayang ideya patungkol sa pagpuksa ng kahirapan, pag-aaral na ang nagsasabing makatutulong ito sa naturang problema.